Isang araw sa diversion kunware…
MEDIA (taga Maynila): ‘Ser, kayo daw po ang saksi?
TOTO: Ay uwo ka! Ika’y pumarne dine sa silong. Kung ako pa naman ang dadais sa iyo para magsalaysay ay sulong!
MEDIA (taga Maynila): Pasensya na po sa abala. Ano po ba talaga ang nangyari?
TOTO: Ako’y naka-ungkot laang dine at karakaraka’y ako’y nagitla sa busina. May mag-inang hasing-hasi pa ng paghihikap ay gab-eng gab-e na! Bakingga areng dyip ay saksakan ng tulen? Ay di ako’y palakat na sa mag-inang di naiingli! Aba’y maiipit na’y naka-umis pa! Kainaman! Hayown! Sa pag-iwas ng dyip ay sumalya sa tarangka, tiklap ang tapaludung lasa ko’y kawangki ng nilamukos na kiche. Pagkakabugnot ng drayber ah! Ngalngal e! Ay di ayon, damay na rin aring dalwang kutse!
MEDIA (taga Maynila): ( ano raw? )
its like i’ve not been gone from batangas for so long…thnx for all the post