Breaking News

Ang Batangueño Kapag Walang Kuryente

Ano ang madalas ginagawa ng mga Batangueno kapag maghapong walang kuryente?

Hindi naman ito problema ng mga estudyante na buong araw ang klase dahil nasa school naman sila (purwisyo nga lang dahil walang aircon o fan at di kaya ng generator) at ang mga empleyado na buong araw din ang trabaho.

Para sa mga mobile people na katulad namin, pwedeng maging opisina ang kahit anong lugar basta may wi-fi. Kayo? Alin dito ang madalas mong gawin kapag brownout?

Mag-mall. Usually, ito ang the best na solusyon laban sa init at inip. Walang problema kung mapera ka. Kung nagtitipid ka naman, umalis ka ng bahay after lunch, pamasahe lang ang gastos mo sa pagpasyal sa paborito mong mall.

Manood ng sine. Kung wala kang trabaho o importanteng gagawin, ang panonood ng sine ang isa sa pinaka-eenjoyin mo. Magandang bonding din ito ng pamilya.

Magpicnic sa park. Kung may bayad man, siguro P20 lang kagaya sa community park ng Lipa. Pwedeng maglaro ang mga bata, mag-take ng pictures pang-post sa Facebook, magkuwentuhan kasama ang mga taong mahahalaga sa ‘yo.

Maglinis ng bahay. Pagkakataon mo na ‘to para pansinin ang kwarto mong matagal ka nang inaantay para linisin s’ya. Kung tinatamad kang umalis ng bahay, walang pera, o walang makasama para mamasyal, maglinis ka na lang ng bahay. Maaring pagod ka nga pagkatapos pero matutuwa naman ang nanay o asawa mo. 🙂

Gawin ang hobby. Do you play sports? Gusto mong mag-bike? Gawin mo ang mga bagay na hindi nakadepende sa kuryente. Marami kang ma-eenjoy sa paligid, kelangan mo lang matuklasan.

Ikaw, ano ang ginagawa mo kapag brownout?

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

National Food Showdown Flaunts Batangueno Cuisine, Pushes for Local Delicacy Innovations

University of Batangas- Lipa Campus hosted the 15th National Food Showdown (NFS) with a theme …

No comments

  1. Ako? I lie down, close my eyes, doze off and wake up after it’s brownout no more. ^_^

  2. Ako? I lie down, close my eyes, doze off and wake up after it’s brownout no more. ^_^

  3. Ako, nalakad sa parang. Oh kaya’y napunta sa tuklong. O naglalaro ngvolleyball. 🙂

  4. ako kapag wala kuryente, sugor agad sa ilalim ng mangahan doon karakay nag lalagay ng bangkito, pag may kahuntahay tunay ka namang ayus na ang pulong, liwag pay naka pag labon ng balinghoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.