Kanina ganap na ika-5 ng umaga ay pormal nang sinimulan ang tatlong araw na selebrasyon ng Fiesta de los toros ng Bayan ng Nasugbu, Batangas.
Ang Takbo de los Toros ay kanilang bersyon ng fun run kung saan binabasa ang mga kalahok gamit ang tubig na kinulayan ng pula gamit ang food color. Humigit kumulang 200 katao ang naging kalahok.
Matapos ang takbuhan ay ang masayang Zumba Session at Mass Dance Shower Party na ginanap sa Grandstand Plaza de Roxas sabay sa tugtog ng opisyal na jingle ng Fiesta De los Toros sa taon na ito.
Nagkaroon rin ng raffle draw para sa mga nakilahok sa nasabing takbo de los toros.
Ayon kay Ms. Carol Anne V. Zabarte, Tourism Officer ng Bayan ng Nasugbu, ang Fiesta de los Toros ay kanilang ipinagdiriwang tuwing December 01-03 taon-taon bilang pagkilala sa kanilang patron St. Francis Xavier. Nagsimula ito taong 2006, hango ang tema ng mga aktibidades nito sa Spain kung saan nagmula ang kanilang patron.
Narine naman ang iba’t iba pang mga aktibidad sa mga susunod na araw:
Awardees
Fun Run
1st Runner Up – Mark Anthony Preye
2nd Runner Up – John Mark Zoleta
3rd Runner Up – Marlon Cabadin
Special Award (Early Bird) Ms. Lilibeth Guiñez
Nagkaroon naman ng Battle of the bands na nilahukan ng 12 Banda mula sa iba’t ibang parte ng Batangas ng gabi.