Breaking News

Ang Wikang Filipino. Bow.

Ang Agosto, para sa ating mga Pilipino, ay ang Buwan ng Wikang Pambansa. Ang wikang Filipino, kagaya ng mga pambansang wika ng ibang bansa, ay sumasalamin sa ating lahi. Kung kaya’t hinihikayat ang lahat na pagyamanin ito.

Ang ating pambansang wika ang isa sa maraming bagay na sumisimbolo sa ating lahi. Ito nga marahil ang isa sa unang pagkakakilanlan sa atin kung tayo ay mapapadpad sa banyagang lugar.

Aminado akong hindi ako ganoon katalinhaga sa pagsulat sa sarili nating wika. Pero hindi ibig sabihin noon ay mas pabor ako sa wikang Ingles na s’yang madalas kong gamitin sa aking pagsulat. Ikaw, gaano mo kamahal ang wikang Filipino?

Sa isang pang-umagang programa kanina ay napag-alaman kong marami nga ang mga salitang Filipino na mahirap intindihin ang ibig sabihin. May isang aleng tinanong kung alam nya ang ibig sabihin ng salitang ‘sigalot’. Sinagot n’ya ito nang patanong at ang sabi n’ya ay “Salot?”. Oo, may tandang pananong sa dulo.

Sa pagtanda ng panahon, pati nga ba ang wikang Filipino ay tumatanda na rin? Tumatanda, napag-iiwanan, kinakalimutan. Masaklap kung ganon. Kagaya na lamang ng pag-usbong ng linguwaheng jejemon na hindi malabong mapabilang ang ilang salita nito sa diksyunaryong Filipino sa mga susunod na panahon.

Madalas nating mababasa ang mga malalalim na salitang Filipino sa mga tula at kathang pangliteratura. Mas malalim, mas mabigat ang dating. Kinakailangan bang laliman ang salita para ipakita ang pagmamahal sa sariling wika?

Ito ang huling araw ng Linggo ng Wika, Agosto 19. Maligayang Linggo ng Wikang Pambansa!

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.