Breaking News

Anihan Festival 2019 Day 1: Agri Trade Fair

Ngayong araw ang simula ng isang linggong pagdiriwang nang ika-148 taong pagkakakatatag ng Bayan ng Lobo. Pinasimulan ito ng Alay Lakad na nilahukan ng mga LGU’s, mga estudyante at guro mula sa iba’t ibang paaralan sa bayan at mga representante ng barangay.

Isa sa highlights ngayong araw ay ang pagbubukas ng Agri Trade Fair 2019 na may layuning mas maipakilala ang produktong Lobo. Labing anim na grupo ang nakilahok dala ang kanilang mga ipinagmamalaking produkto tulad ng mga organikong gulay at prutas, kakanin, minatamis tulad ng kamias at sampalok at syempre hindi mawawala ang Atis. Ito ay bukas para sa gustong mamaraka, mula alas otso ng umaga hanggang alas sais ng gabi, Lunes hanggang Sabado.

Karamihan din sa mga nakilahok ay gumagamit ng biodegradable packaging tulad ng saha ng saging, balat ng mais at hinabing dahon ng niyog alinsunod sa panawagan ni Honorable Mayor Gaudioso Manalo na bawasan ang paggamit ng single-use plastic upang mas mapangalagaan ang kalikasan na syang nagbibigay ng kabuhayan at pagkain sa mga mamamayan ng Lobo.

May iba ring aktibidad na isinagawa sa nasabing lugar kabilang na ang livelihood program para sa mga kababaihan na pinangunahan ni Ms. Lota Manalo. Nasa listahan din ng Top 5 sa pinakamalinis at masaganang karagatan at bilang pasasalamat sa mga mangingisda ng Lobo sa pagpapanatili ng kalinisan ay namigay ang kagalang-galang Mayor Jurly Manalo ng mga bagong bangka na makakatulong sa kanila sa kanilang kabuhayan.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.