Breaking News

Anti-Littering Law vs. Pinoy Litterbugs

Yesterday, the Anti-Littering Law was again implemented in Metro Manila as the MMDA environmental officers are out to hunt litterbugs around the metro.

Eh paano naman dito sa Batangas? Kailangan pa bang hintayin ang Anti-Littering Law na ito para lang masabing may patutunguhan ang hangad nating magkaroon ng mas malinis na kapaligiran? Disiplina – ‘eto ang kulang sa mga Pilipino eh. Hindi lang dahil gusto mong umiwas sa parusa kaya ka susunod sa batas. Think of the positive result. Isipin mo ang maganda at mabuting maidudulot ng pagsunod mo sa batas at ‘wag mong ikagalit o ireklamo ang kung ano mang consequences na maari mong sapitin kapag nilabag mo ito.

How do you make the world a better place? Ang gandang tanong di ba? Pero mahirap sagutin. Halos araw-araw may mga paalalang maghe-hello sa ‘yo kung paano mo matutupad ang pangako mong maging alagad ni Inang Kalikasan. Yun nga lang, suplado ka minsan. Hindi mo pinapansin ang mga nagsusumigaw na “bawal magtapon ng basura” na paalala sa paligid mo. Lalo na kung walang sisita sa ‘yo. Papansin ka lang ba o talagang kulang ka lang sa paalaala?

Pasintabi po sa mga kumakain habang binabasa ang article na ito. Isa na sa pinakanakakadiring tagpo sa jeep na hindi mo nanaising ikaw ang maging biktima ay kapag may dumura sa may bandang unahan habang umaandar ang jeep at pagaspas ang hangin. Isipin mo na lang kung saan ‘yun posibleng maglanding. Eeew.

The MMDA environment enforcers themselves must carry out the proper actions in implementing this Anti-Littering Law. One fear of many is the possible avenue (again) for corruption. Where shall the collected fines go? We hope it would be alloted for trash cans to be scattered in public. And oh, let’s all pray the collected fines will land on safe, clean hands, you know.

Mga kaibigan, konting disiplina lang ang kailangan. Hindi ga?

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

“Puso ng Paglilingkod: The Josefa Llanes Escoda Musical” tells life of celebrated heroine

Lipa City Actors Company (LAC)’s “Puso ng Paglilingkod: Josefa Llanes Escoda Musical” is based on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.