Isang Street Dance at parada o tinatawag nilang Bailar Ala Toro ang ginanap sa pagsalubong sa ikalawang araw ng pagdiriwang ng Fiesta de los Toros ng Nasugbu, Batangas.
Nilahukan ito ng mga Opisyales ng Bayan ng Nasugbu, Municipal Employees at iba pang mga grupo at organisasyon mula sa iba’t ibang barangay na sabay sabay pumarada at sumayaw sa opisyal na Jingle ng Kapistahan patungong Plaza De Roxas.
Pagkatapos nama’y idinaos ang Paalmusalamat at isang lahatang pagsayaw ng mga nakilahok o “Flash Mob” sa saliw ng Fiesta de los Toros Jingle. Isang pagpapakita ng pagpapasalamat at pagbibigay pugay ng mga Nasugbueño sa kanilang patron at pagpapakita ng kanilang pagkakaisa.
Great Job!!!
Sends shiver down my spine…I was there at this time of year 40 years ago …
I pray I can visit soon…