Naging abala ang mga taga-Balete sa pakikilahok at panonood sa mga events ng Earth & Fire Festival noong January 30, 2016 sa mismong bayan. Pinangunahan ito ng Lima Park Hotel at ng FAITH, kaya nga at pagpunta mo ngayon sa Balete ay magugulat ka sapagkat mayroon ng Boat Tour at mga water-sports activities doon (banana boat, flying fish, wakeboard at kayak).
Ilan pa sa mga naganap kanina ay ang Sunset Duathlon Competition at ang party na may mga firedancers nung gabi.