Breaking News

Christmas Party Games and Ideas here in the Philippines

Isa sa mga inaabangan bukod sa 13th Month Pay at Bonus tuwing pasko ang taunang Christmas Party. Dahil ito’y isang araw kung saan makakapahinga ng kaunti at makakapagsaya kasama ang mga  kasamahan sa trabaho. Hindi mawawala ang mga maraming pagkain, raffles at papremyo, awards at syempre ang mga palaro.

Kaya heto at nag-isip kami ng mga bago at nakakatuwang mga palaro para mas pasiyahin ang inyong Christmas Party.

Balloon Relay
Hindi mawawala ang mga relay games kaya I level up natin ngayong taon.

Mga dapat ihanda:
Lobo
Batya, Kahon o kahit ano man na pwedeng paglagyan ng lobo

Mechanics:

Bumuo ng grupo na may 5-6 na kasapi. Palobohin ang mga lobo na nakadepende kung gaano kadami ang kasali at ilagay sa loob ng kahon. Ilagay naman ang kahon sa hindi kalayuan. Hihilera ang mga kalahok sa itinakdang guhit at ang unang sa hanay ay tatakbo at kukuha ng isang lobo mula sa kahon sa hudyat ng nagpapalaro. Babalik ang unang miyembro sa kanyang mga kasama at ang kasunod nito sa pila ay tutulong upang iipitin ang lobo gamit ang kanilang katawan. Babalik silang muli sa kahon upang kumuha ng bagong lobo at iipitin naman ito ng pangalawa at pangatlong miyembro ng grupo hanggang sa nakahilera na silang lahat na naglalakad na may ipit ipit na lobo sa pagitan ng bawat isa. Kailangan ng koordinasyon ng bawat kasagpi dahil bawal hawakan ang lobo at bawal din itong bumagsak sahig. Ipinagbabawal din ang paghawak o pagkapit sa kasagpi habang naglalakad ito. Matatapos lamang ang laban kapag matagumpay nilang nabitbit ang lahat ng lobo sa panimulang linya.

Ultimate Bato Bato Pik!

Madalas na tayong naglalaro nito noong kabataan, kung saan talo ng gunting ang papel, talo ng papel ang bato at talo ng bato ang gunting.

Mga dapat ihanda:
Maaring maghanda ng Grand Prize o di kaya naman ay maghanda ang bawat kalahok ng “pantaya”.

Mechanics:

Kung walang grand prize ay maghahanda ang bawat kalahok ng pare parehas na halaga bilang “taya”. Hihilera ang bawat kasali na bawat isa sa kanila ay dapat may katapat na kalaban. Magbabato bato pik ang magkatapat at kung sino ang matalo ay ibibigay ang kanyang “taya” sa nanalong kalaban at matatanggal na siya sa mga susunod na round. Paulit ulit lamang ito hanggang sa dalawa na lamang ang matira. Kapag dalawa na lang ang natira ay magiging paunahan na manalo ng tatlong beses ang labanan at kung sino man ang manalo ay sa kanya mapupunta ang Grand Prize.

Ms Q & A

Isa sa mga sumikat na portion sa isang noontime show sa TV ang Ms Q & A, kung saan ang mga kalahok ay mga kabilang sa ikatlong-kasarian pero mas nakatutuwa ito kung ang mga kalahok ay mga tunay na lalaki.

Mga dapat ihanda:
4 Yards na Tela
Yarn/Tali
Gunting
Make-Up

Mechanics:

Dahil bihira ang mga lalaking nais sumali sa gantong klaseng patimpalak. Mas mainam na maging biglaan ito. Bumuo ng grupo na binubuo ng isang(1) lalaki at apat(4) na babae. Ang nag iisang lalaki ang magiging kandidata at ang apat na babae ang magiging katulong nya sa pageant na ito. Bibigyan ng 15 -20 minutes na preparation time ang bawat grupo kung saan ang apat na assistant ay tutulungan ang kanilang kandidata sa paghahanda para sa pageant. Sila ang tutulong sa pag iisip ng magandang pangalan, tuturuan din nila ito rumampa at magpakilala at magbigay ng mga nakatutuwang salawikain. Gamit ang mga limitadong materyarles tulad ng Tela, Yarn at gunting ay gagawa naman sila ng isusuot ng mga kandidata kaya dapat may kalakip ding premyo ang best gown.

Ang kandidata naman ay dadaan sa mga dalawa o tatlong set ng mga katanungan, ang unang set ay ang seryosong tanong na sasagutin mo din ng seryoso, ang ikalawa ay seryosong tanong na sasagutin ng nakatatawang sagot at ang ikatlo naman ay nakatatawang tanong na sasagutin ng nakatatawang sagot.


Video ni Jovenith Roble

Tug of War na may twist

Isa ang tug of war sa mga madalas nating laruin kapag team building pero tig isang tao lamang ang magiging kalahok ng bawat kupunan.

Mga dapat ihanda:
Upuan
Tali
Kandila
Posporo

Mechanics

Hindi tulad ng normal na tug of war kung saan naghihilahan ang magkalaban, itatali ito sa baywang ng bawat kasagpi at magkatalikuran silang dalawa habang hawak ang mga posporo. Maglalagay naman sa magkabilang panig ng upuan kung saan ipapatong ang mga kandila. Ang layunin ng mga kalahok ay makapunta sa upuan at matagumpay na masindihan ang mga kandila habang naghihilahan. Ang unang makasindi ng kandila ang mananalo.


Video ni Erwin Jardin

Pasahan ng Harina

Isa ito sa mga pinakamakalat ngunit pinakamasayang palaro dahil kung makukulit ang mga makakasali sa larong ito ay maaring sadyain ang pagbato ng harina sa nasa likuran nito.

Mga dapat ihanda:
Maliit na Batya
Harina

Mechanics:

Bumuo ng grupo na may 5-10 miyembro. Bawat miyembro ng grupo ay hihilera at uupo sa sahig. Ilalagay ang harina sa harapan ng pinakaunang miyembro at ilalagay naman ang batya sa likod ng pinakahuling miyembro. Sa hudyat ng tagapasinaya ng laro gamit ang kanilang mga kamay ay dadakot ng harina ang nasa unahang miyembro at ipapasa ito sa nasa likod niya ng walang tinginan hanggan sa makaabot sa pinakahuling miyembro at ilalagay ito sa batya. Limitadong oras lamang ang ibibigay kaya naman kailangang mabilis ang pasahan at sa hudyat ay titigil ang lahat sa pagpapasa at titimbangin ang mga nakuhang harina.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Puso ng Paglilingkod: The Josefa Llanes Escoda Musical” tells life of celebrated heroine

Lipa City Actors Company (LAC)’s “Puso ng Paglilingkod: Josefa Llanes Escoda Musical” is based on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.