Breaking News

Kauna-unahang Differently-abled Sports for Life | Batangas Para Games inilunsad sa Tanauan

Kahapon, ika-17 ng Hulyo, 2018 ay ginanap sa Tanauan City ang kauna-unahang Differently-abled Sports for Life | Batangas Para Games sa buong Pilipinas na magtatagal hang ngayon, ika 18 ng Hulyo, 2018. Ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng Philippine Sports Commission, Tanauan City Local Government, Person with Disablity Affairs Office (Tanauan) at DepEd.

Ang programang ito ay naglalayong bigyan ng karapatan ang mga kababayan nating PWD sa larangan ng sports. Ayon kay Philippine Sport Comission Commisioner Arnold Agustin ay ito ang launching ng programa nila para sa mga PWDs na sya din nilang gagawin sa mga iba pang lalawigan sa buong Pilipinas. Ilan  sa mga pwedeng salihan na sports ay ang Swimming, Badminton, Chess, Bocce, Athletics. Mahilig 400 naman ang dumalong delegado kasama ang mga Athletes, Coaches at Technical Officials na pawang mga taga dine sa Batangas.

Ayon din kay Person with Disability Affairs Head Sir Pierre Niko Sudario ay isa lamang ito sa napakarami nilang programa sa Tanauan para sa mga PWDs at layo din ng programa na ito na makakuha ng mga atleta para sa mga national competitions maging sa Paralympics sa ibang bansa. Inaasahan na darami pa ang mga makikilahok na PWDs sa mga susunod pang Para Games.

Larawan ni Joel Mataro at Roderick Lanting (CIO – Tanauan)

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.