Bahite : (ba-hi-teh)
Kahulugan
Panghalip;
(1) Walang Pera.
(2) Isang paraan ng pagsasabing wala na o kulang na sa perang panggastos.
Halimbawa ng pag gamit sa pangungusap:
Setyembre na! Siguradong bahite nanaman sa mga susunod na buwan.
Bahite ang mga taga rine sa amin at katatapos laang ng fiesta.
Kumpare 1 : Pare, wala ka gang gagaw-en ngay’ong hapon? Kitang mag mall.
Kumpare 2 : Anla eh bahiteng bahite pare eh, ubos pati ang pato.
Kumpare 1 : Gay’on ga? Sayang ililibre pa naman sana kita ng sine at kakain pa sana tayo sa restaurant.
Kumpare 2 : (Humugot sa bulsa sa likod ng pantalon) Aba! Akalain mong may napasipit na singkwenta pesos dine sa bulsa ng aking pantalon. Papara na ako ng dyip!