Maiksi ngunit malalim ang kahulugan ng opisyal na hashtag ng Lungsod ng Lipa. Ang #EatPrayLoveLipa ay kumakatawan sa mga produkto, turismo, tradisyon at mga etikang nakakabit na sa pagkakakilanlan ng lungsod na matagal nang tinaguriang Little Rome of the Philippines.
Tagumpay si Roderick Z. Lubis matapos niyang higitan ang entries ng 14 niyang nakatunggali sa hashtag design contest na pinangasiwaan ng Lipa City Tourism Council. Ang kanyang hashtag design na tinatampok ang barakong kape, Metropolitan Cathedral of San Sebastian, at iba pang mga pamanang Batangas ay makikita sa mga foot bridges, sa mga government at commercial establishments sa Lipa, sa mga government vehicles, mga pampublikong sasakyan, sa mga facebook pages ng local businesses at sa ilang LED walls sa Lipa maging sa Maynila.
Samantala, opisyal na ipinakilala si Ms. Rosavi Nathalie Hernandez Ronquillo bilang Mutya ng Lipa 2023 sa mga panauhin ng DOT, Lipa City Tourism Council, mga Konsehal ng Bayan, at mga Punongdepartamento na nakiisa sa programang ginanap kanina sa Lipa City Hall.