Breaking News

Gawin Mong Unlimited ang Pagpapatawad

To err is human. To forgive is divine.

Hindi lang rice o prepaid load ang dapat mong gawing unlimited. Ang pagpapatawad dapat unlimited rin.

I attended mass earlier with my family. The homily talked about forgiveness. Madali ka bang magpatawad?

May mga taong mahirap makalimot sa mga pagkakamaling nagawa sa kanila. May ilan namang mas nahihirapang magpatawad sa sakit na naidulot ng kanilang kapwa. Hanggang kailan dapat tiisin ang galit sa dibdib?

Kung hindi mo papakawalan ang sama ng loob, ang galit na nasa puso mo, unti-unti kang lalamunin nito. Hindi ba mas mahirap yun kesa sa magpatawad?

Mabigat sa damdamin ang kinikimkim na galit. Maaari pa itong mag-branch out sa iba pang mga hindi magagandang pakiramdam o disposisyon.

‘Wag mong lagyan ng limitasyon ang pagpapatawad. Kung hindi ka marunong magpatawad sa kapwa mong nakapanakit sa yo, paano mo mahihiling na patawarin ka rin ng Diyos sa mga pagkakamaling nagawa mo?

Unload your burden. Free your heart from lingering pain. Forgive.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.