Isang karera ng kabayo ang ginanap kahapon, ika 13 ng Oktubre, 2016 sa Isla ng Sitio san isidro, Pulo, Talisay Batangas na pinangunahan ng kagalang-galang na Punong Bayan Gerry D. Natanauan kasama ang Sangguniang Bayan Member – Chairman Commitee of Tourism Lorenz Pesigan at MGDH – Chief Tourism Operations Officer Genalyn M. Barba upang makatulong sa pag angat ng turismo sa bulkang taal at makatulong na rin sa mga mamamayan na naninirahan dito.
Lingid man sa kaalaman ng iba ay maraming kababayan natin ang naninirahan sa paanan ng bulkang Taal. Ilan sa kababayan natin dito ay nag-aalaga ng mga hayop at ang pangunahing kabuhayan dito ay ang paghahatid ng mga turista sa tuktok ng bulkan gamit ang mga kabayo. Kaya naman napakaraming kababayan natin ang may alagang kabayo sa lugar na ito. Kaya naman naisip ng lokal na pamahalaan na dito ganapin ang naturang karera kasabay na rin ng paglulunsad ng bagong bansag sa Bulkang taal bilang “Island of Many Horses”.
Ang mga larawang kuha ay ibinahagi sa atin ng ating kababayan na si Kenly Anillo.