Ang pagbibigayan ang isa sa mga diwa ng pasko at isa din ito sa mga katangian nating mga Batangenyo ang pagbabalik natin sa lahat ng mga biyayang ating natanggap sa buong taon.
Ika nga ng former Mutya ng Lalawigan ng Batangas 2009 Disayrey Sayat ay may kanya kanya tayong panata sa buhay. Simula ng patuloy ang paglago ng kanyang intinayong negosyo at naisip nyang panahon na upang magbigay din pabalik. Paano nya ginagawa ito? Tuwing anibersaryo ng kanyang negosyo at kanyang kaarawan ay naghahanap sya ng mga beneficiaries na mas nangangailangan.
Ngayong taon ay napili nyang beneficiary ang Dr Juan A Pastor Memorial National High School sa Bayan ng Ibaan. Napukaw ang kanyang atensyon sa post ni Teacher Gennifer tungkol sa isang estudyante na nagpupumilit pumasok sa eskwela kahit iisang pares lamang ang uniform nilang magkapatid at pinaghahalinhinan lamang nila ito. Kaya agad syang nagmensahe kay Teacher Gennifer upang tulungan ang mga ito. Tinulungan din siya ng paaralan upang maghanap pa ng mas maraming estudyante na nabibilang sa mga maralita.
Buong pusong nagpapasalamat sina SHS Coordinator Ms Jesusa DC. Perez, Head Teacher III Ms Fe R Caringal, SSG Adviser Mr Huberto Caiga, Eng T1, Sponsor Ms Gennifer A. De Jesus at Faculty President Ms Rosalinda Tolentino dahil ang Dr Juan A Pastor Memorial National High School ang napili ngayong taon at ganun din ang mga estudyanteng nakatanggap ng tulong. Higit namang nagpapasalamat si Ms Disay dahil nabigyan siya ng pagkakataon upang makatulong at ayon sa kanya:
Ilan pa sa nag-abot ng tulong ay ang TRS Admin, SSG Funds at Parents and Teachers Association ng DJPMNHS.