Breaking News

Heroes behind the Masks

2016-10-14-mary-mediatrix-medical-center-heroes-behind-the-masks-108
Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Nurse’s Week, isang Masquerade Party ang naganap kagabi, ika 14 ng Oktubre, 2016 sa Lilian Magsino Hall – Mary Mediatrix Medical Center, Lipa City na may temang “Heroes behind the Masks” bilang pagkilala sa mga nurses na binubuhos ang kanilang oras, panahon, buhay at dedikasyon sa kanilang trabaho.

Hindi biro ang pagiging isang nurse dahil madalas ay kulang sa tulog, pahinga at umaabot ng labing dalawang oras ang trabaho ngunit nagagawa nila ito ng may ngiti sa labi dahil sila’y may puso at dedikasyon sa kanilang napiling trabaho. Kaya dapat magpasalamat tayo sa kanila sa kanilang sakripisyo at sa lahat ng mga buhay na kanilang isinasalba sa araw araw. Kaya binigyan ng pamunuan ng Mary Mediatrix Medical Center ng isang gabi ng pagkilala at parangal ang kanilang mga mahuhusay na nurses.

Nanduon din ang ilan sa kanilang mga doktor/doktora tulad nina Dr. Rommel Lojo at Dr. Asis Encarnacion. Asis upang magbigay ng nakakainspire na kwento at karanasan kasama ang mga nurses. Naghanda rin mga presentasyon ang bawat station ng mga nurse upang pasayahin ang bawat manunuod sa loob ng Hall. Napuno ng hiyawan, kantahan, sayawan at halakhakan ang buong kwarto habang pinanunuod ang kanilang mga kasama.

Kaya nararapat lamang na bigyang pugay natin ang ating mga magigiting na nurses. Ika nga nila “Save one life you’re a hero. Save a hundred lives and you’re a nurse.”. Kudos sa mga Batangueño/Batangueña Nurses sa loob at labas ng bansa.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.