Paano labanan ang antok kung gustong-gusto na ng mga mata mong bumigay at pumikit kaso nasa opisina ka?
Ganito namin nilalabanan ang ‘ultimate afternoon drowsiness attack’ dito sa WOWBatangas Home.
> Mag-power nap. Umidlip. Hindi dapat hihigit ng 5 minuto. ‘Wag din piliting mapa-idlip, pareho ang epekto nun sa attempt mo na pigilan ang antok. Kung hindi ka mapa-idlip, move to the next item.
> Samu’t saring soundtrip. Madalas galing kay Alva ang soundtrip. Mula kay Jason Mraz hanggang sa The Beatles hanggang kay Bob Marley hanggang kay Noel Cabangon. Kapag RnB o kaya pop, malamang sa akin galing o kung sa kanino mang OJT.
> Angry Birds pag breaktime. Oops! Counter Strike din. Minsan kelangan talaga ito. Lalo na sa gaya naming walang hightech pods para sa power nap, maglaro na lang.
> Mag-siomai na matindi ang chili sauce. Nandito nga pala sa may opisina namin ang pinakamasarap na siomai. Haha. Masarap at matindi ang anghang. Siguradong susuko ang antok mo, solb pa ang tiyan mo.
> May mga taong matindi kung tamaan ng epekto ng caffeine. Kabilang na ang aming team doon. Hindi uubra ang mga instant coffee mix, dapat kapeng barako o kaya kung gusto mong lumayo pa, Starbucks o Cafe de Lipa. Andun ang mga kapeng nanununtok.
> Kung hindi pa rin effective, ulitin lahat ng nasa itaas.
‘Wag n’yo nang tangkaing kurutin ang sarili o kaya magpakurot sa katabi. Kapag pinilit mong labanan ang antok na wala kang effort bukod sa deadmahin ito at ipagpatuloy na lang ang trabaho, good luck sa ‘yo at sa maya-maya’y sakit ng ulo.
ZZZzzzzZZZZzzzzz… Snooze…
‘Wag kalimutang makipaghuntahan sa amin sa Facebook! www.facebook.com/wowbatangas