Isang World Record Attempt ang sumalubong sa pagbubukas ng isang linggong selebrasyon ng Barako Festival 2017 kahapon, ika-16 ng Oktubre, 2017 sa Lipa City, Batangas. Ninanais ng Siyudad ng Lipa na makamtan sa Guiness Book of World Records ang titulo ng pinakamahabang linya ng Kapeng Barako Drinkers.
Kaya naman dinagsa ito ng higit sa 6000 katao ang nakipila at nakisabay sa pag inum ng kape at nais maging parte ng Longest line of Kapenge Barako Drinkers World Record Attempt. Malalaman ang resulta 12 linggo matapos maisumite ang mga patunay na larawan at video ng sinasabing World Record.
Larawan ni Bert Ferranco, Joel Mataro, Jeremy Mendoza