Breaking News

Kung Buhay Si Jose Rizal Ngayon

Kung buhay si Jose Rizal ngayon, kaalyado kaya s’ya ng administrasyon o isa s’yang leftist?

Kung buhay si Jose Rizal ngayon, idadaan n’ya pa rin kaya sa pagsusulat ang lahat ng mga katiwalian sa gobyerno at iba pang isyung linggo-linggong pinagpipyestahan ng media at pinagtatakpan ng mga may kapangyarihan?

Kung buhay si Jose Rizal ngayon, s’ya kaya ay pro o anti RH bill?

Kung buhay si Jose Rizal ngayon, ilang beses sa isang buwan kaya s’ya magiging laman ng front page ng mga pahayagan?

Kung buhay si Jose Rizal ngayon, naging mayor kaya s’ya ng Calamba o naging governor ng Laguna, o di kaya ay presidente ng Pilipinas?

Kung buhay si Jose Rizal ngayon, sino kaya ang naging pambansang bayani natin?

June 19, 1861. Ngayon ang ika-150 na kaarawan ni Gat Jose Rizal. Dapat sanang kaarawan, kaya lang alam naman nating nung December 30, 1896 ay nagtapos na ang lahat ng kadakilaan n’ya bilang isang Pilipino.

Marami nang naisulat tungkol sa kanyang buhay at kung paano n’ya naipakita ang kanyang pagmamahal sa bayan. Marami nang naitsismis tungkol sa kanyang makulay na love life. Sino ang tunay na pag-ibig ni Lolo Jose? Manood ka sa ABS-CBN mamayang gabi.

Si Rizal ay isinalang sa mundo sa maraming kadahilanan. Parang ikaw at ako. Isinilang tayo dito sa mundo hindi lang para dumagdag sa population rate ng Pilipinas. Isinilang ka dahil may purpose kang dapat i-fulfill. Anong purpose ‘yun? Ikaw lang ang makakasagot.

‘Di mo naman kelangan maging dakila o maging bayani para lang masabing nafulfill mo na ang purpose mo sa mundo. Simple lang, ‘wag kang maging pabigat sa kung sino man. Sumunod ka sa batas, ‘wag kang magtapon ng basura kung saan-saan, magtrabaho ka at magbayad ng buwis, magpakatao ka. Mahirap yung huli ano?

Kung buhay si Jose Rizal ngayon, s’ya kaya ay lider ng mga makabagong bayani ng Pilipinas o isang superhero na pwedeng arkilahin?

Sa 150 years, 35 years lang ang isinelebrate n’ya. Ganun pa man, maligayang kaarawan, Gat Jose Rizal!

Photo Credit: www.visitpinas.com

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

2 comments

  1. kung buhay si rizal ngayon, he’d probably beg to be shot in the head with a bazooka. that or he’d fly off to Switzerland or Spain, that’s what he did during the onset of the revolution pushed for by the Ilustrados, a revolution they abandoned in its adolescence. pffft.

  2. kung buhay si Rizal ngayon, siguro nasagot na niya lahat ng tanong natin kung ano ang gagawin kung nabubuhay siya… pero kung nabubuhay lang siya, magpapasalamat ako sa kanya…:)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.