Breaking News

Kung Magbabago Ka, Dapat NOW NA!

Kung hindi ngayon, kailan pa? Kung magbabago ka, ngayon na. Hindi natin hawak ang bukas. We cannot do anything when it comes to the quantity of our life but there’s a lot we can do when it comes to its quality. Kaya kung gusto mong magbago, huwag mamaya, huwag bukas, kundi ngayon. Ngayon na. Ngayon din.

Ang bawat sandali ng buhay ay pahiram lamang ng Diyos. Dahil pahiram, ito’y isasauli natin. Nakakahiya namang magsauli ng anumang hiniram kung ito’y ibabalik sa may ari nang kulang o may diperensiya. Ganyan din ang buhay ng tao. Hiram sa Diyos kaya isasauli sa Diyos. Sana pag dumating ang oras na iyon ng pagsasauli, makayanan nating magsauli sa kanya nang nakatingin sa kanyang mga mata at may ngiti. Hindi yung nagsasauli na nahihiya, guilty at halos magkubli.

Maigsi lamang ang buhay ng tao. Ano na ba kung tutuusin ang 30, 40, 50, o 60 taon? Bihira na yata ang umaabot nang lampas pa doon. At meron ding nasa murang isip pa lamang ay tinatawag na sa kabila. Mabilis lumilipas ang bawat araw at mga taon. Time flies. So waste not time. Minsan ka lang mabubuhay kaya pagbutihin mo ito.

Patuloy tayong tinatawag ng Diyos na magbago. Magsisi sa kasalanan. Di naman kailangang iuntog ang ulo sa dingding kung nagkakamali. Magbalik-loob sa Diyos at magmadali. Isa lamang ang kailangang gawin—magbago ka. Ngayon na.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

No comments

  1. Tama ka diyan Kuya Pari, just recently i had a friend who is also a priest who passed away, it was so sudden, nang dumalaw ako sa kanya sa medical city di ako nakapasok sa room nya dahil may procedure na ginagawa sa kanya, nakausap ko na lang sya sa phone, after almost a week i heard a sad news about his death, wala talagang pinipili ang kamatayan, ang lahat ay dadaan sa ganoong proseso, iyon lang ang tanging paraan upang tayo ay makauwi sa piling ng Panginoon, lahat nawa tayo ay makagawa ng mga bagay na ayon sa kalooban ng Diyos, life is short, live life to the fullest. God bless us all!!!

  2. Tama ka diyan Kuya Pari, just recently i had a friend who is also a priest who passed away, it was so sudden, nang dumalaw ako sa kanya sa medical city di ako nakapasok sa room nya dahil may procedure na ginagawa sa kanya, nakausap ko na lang sya sa phone, after almost a week i heard a sad news about his death, wala talagang pinipili ang kamatayan, ang lahat ay dadaan sa ganoong proseso, iyon lang ang tanging paraan upang tayo ay makauwi sa piling ng Panginoon, lahat nawa tayo ay makagawa ng mga bagay na ayon sa kalooban ng Diyos, life is short, live life to the fullest. God bless us all!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.