Breaking News

Lipeños sumailalim sa coffee learning session

Mahigit kumulang na milyon-milyong katao sa buong mundo ang sinisimulan ang kanilang araw sa paghigop ng kape, at kumulang-kulang na ito rin marahil ang bilang ng pagkakaiba ng mga uri at timpla ng kape.

Kaya kamakailan lang, pinasimunuan ng Samahang Magkakape sa Lipa ang isang coffee learning session na binigyang tema, “Tara dine! Lasapin at tuklasin ang sarap ng kapeng dulot ng magkakapeng Lipeño” sa Lipa City Hall, ika-17 ng Setyembre.

Dinaluhan ng mga magsasaka, mamimili at nagtitinda ng kape ang pagtitipong sinalihan ng mga taga-pagsalitang sina Emmanuel Garcia, chemist mula sa De La Salle University-Manila, na nagbahagi tungkol sa industriya ng kape mula sa mga nagsasaka patungo sa mga konsyumer , at si Keith Shy ng Ateneo de Manila University na nagpakita ng mga proseso ng pagpapakulo at pagtitimpla ng kape.

Ayon kay Arnold Malbataan, kasalukuyang tagapangulo ng Samahang Magkakape sa Lipa, hangarin nila sa samahan ang magkaroon ng panibagong henerasyon ng mga magkakape na nagtatanim at nagsasaka sapagkat masyado na raw matatanda ang mga coffee farmers ngayon.

“Para may magtanim, kailangan tayo ay market driven. Kailangan bigyan mo sila [magtatanim] ng hope, and not false hope, na ang kapeng itatanim nila ay magkakaroon ng presyo after three years,” sabi ni Malbataan.

Layuning ng coffee learning session ang bigyang edukasyon at gabay ang mga konsyumer at supplier ng kape nang sa gayon ay mabigyang balanse at liwanag ang mga isyu tungkol sa pagtatanim at pagtatakda ng presyo.

Sinuportahan din ng mga sangay ng pamahalaan mula sa Department of Trade and Industry, Department of Agriculture, at Department of Science and Technology ang pagpupulong.

Bukod sa pangunguna ng mga coffee learning sessions, ang Samahang Magkakape sa Lipa ay nasa ilalim ng Department of Agriculture na namamahagi ng mga supply ng coffee seedlings, fertilizers, interventions, coffee pulper, coffee roaster at iba pang mga pangangailangan tulad ng seminars at training workshops.

Photos by Kristian Mendoza

About Associate Editor

Edge An is the Associate Editor of WOWBatangas.com. If you have any concerns, reach him through his email editor@likhainternet.com

Check Also

“Puso ng Paglilingkod: The Josefa Llanes Escoda Musical” tells life of celebrated heroine

Lipa City Actors Company (LAC)’s “Puso ng Paglilingkod: Josefa Llanes Escoda Musical” is based on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.