Balik na sa normal ngayon ang operasyon at lahat ng transactions sa Land Transportation Office o LTO, Batangas District Office.
Simula noong January 12 ay “online” na ang lahat ng pagproproseso ng mga serbisyong ipinagkakaloob ng LTO Batangas District Office at Batangas Licensing Center. Inaayos na ito ng Stradcom sa pamamagitan ng PLDT DSL Dial-Up connection.
Matatandaan na nagkaroon ng intermittent network connection problem ang LTO district Office na nagresulta sa “total system offline” simula ng lumipat ang naturang ahensya sa bagong lugar nito sa Areza Compound, barangay Concepcion noong November 15, 2010. Dahilan dito, tumigil ang kanilang transaksyon kung kayat napilitan ang ibang aplikante na pumunta sa mga LTO offices sa ibang lugar kagaya ng Lipa City at Taal.
Nagsagawa ng mga hakbang ang nasabing opisina para maibsan ang naturang problema. Isa na rito ay ang information dissemination campaign katulong ang mga himpilan ng radio at telebisyon. Ipinaalam nila sa publiko ang naturang problema at kung saang LTO Office maaring isagawa ang transaksyon.
Ayon kay LTO Officer-in Charge Rodrigo Ireneo ngayon ay makukuha o matatapos na rin sa loob ng isang araw ang pagrerehistro ng mga sasakyan. Ganoon din ang mga pag-aayos ng mga papeles para sa law enforcement violations.
Aniya, napakabilis ngayon ng pagproproseso sa pagkuha at pagrerenew ng lisensya at rehistro ng sasakyan sapagkat nasa loob na mismo ng Areza compound ang mga konsernadong ahensya tulad ng drug-testing center, emission test, insurance company at iba pa.
Pinaalalahanan rin ni Ireneo ang publiko na sumunod sa batas trapiko at mga alitunin ng LTO, para na rin sa kanilang kaligtasan. Hinikayat niya ang mga motorista na dumalo sa lecture na araw araw na isinasagawa sa kanilang tanggapan upang higit na malaman ang batas.
Ulat mula kay Marie V. Lualhati, PIO Batangas City
cno pwedeng mcontact sa LTO LIPA? regarding sa emission test nila?
good day po. magtatanong lang po kung papano mahahanap ang rehistro ng aming mga barangay service patrol. na galing sa mga donations na hindi namin alam kung nasaan ang mga kopya ng mga rehistro nito. kelangan po namin ito para mailipat sa government “red” plate.Please reply