Breaking News

Magulay ang Buhay sa Balete

Noong Enero pa lamang ay marami nang kababayan natin ang inilikas lalong higit ang mga kababayan nating nakatira sa Bulkang Taal. Karamihan sa kanila ay dinala sa Brgy Talaibon, Ibaan, Batangas habang ang iba naman ay nanatili sa mga “tent city” na itinayo ng probinsya sa iba’t ibang bayan sa Batangas tulad ng Balete.

Ilang linggo pa ang nakalipas ay nakaroon naman ng lockdown dahil sa COVID19 at mahirap para sa ilan nating kababayan ang makabangong muli dahil dito.

Kaya naman sa pagtutulungan ng LIMA Park Hotel, FAITH Colleges (First Asia Institute of Technology and Humanities), FACES – FAITH Center for Extension Services , Batangas Lakelands, at Marian Orchard ay nabigyan ang 100 pamilya mula dito ng mga pre-packed na gulay para sa nalalabing araw ng ECQ.

Ang mga gulay na ito ay sapat para sa pamilyang may limang(5) miyembro sa loob ng 5 hanggang 7 araw. Malaking bagay ito para mabawasan ang gastusin nila sa mga susunod na araw at makatutulong na din sa pagpapalakas ng resistensya upang malabanan ang mga sakit.

Nakakatuwa ding malaman na ang mga gulay na ito’y mula sa isang farm sa San Jose, Batangas at naging paraan para kumita ang mga magsasaka sa mga panahong ito.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.