Maagang nag uumpisa ang bawat araw para sa gaya nilang ang kabuhayan ay mula sa biyaya ng lawa ng Taal. Tinitiis ang santing ng init ng araw, ngalay, gutom, uhaw at mahabang oras ng paghihintay mula sa itaas ng Bantyaw makapag uwi lamang ng huling isdang pwedeng pagkain ng pamilya o di kaya nama’y pagkukunan ng panggastos sa mga susunod pang araw.
“Tulad ng mga pagkakataong dumadaan sa ating buhay. Kapag may sipag, tiyaga at diskarte magbubunga lagi ang matagal na paghihintay.“
Balete, Batangas
Joshua Maranan