Tuwing huling araw ng Mayo ay taon taong ipinagdiriwang ng Bayan ng Alitagtag ang May Flower Tapusan Festival kung saan sila’y nag alay ng mga bulaklak, nagpuprusisyon ng mga magagarbong karosat dinesenyohan ng mga samu’t-saring bulaklak, imahe o rebulto ng birheng maria at nagsasagala ang mga mamamayan ng Alitagtag sa kakalsadahan ng bayan. Ito’y idinaraos bilang panata at pagbibigay pugay sa Mahal na Birheng Maria.
Nagdadaos ng Tapusan ang ilang parte ng Batangas tulad na lamang ng bayan ng Mataasnakahoy na nagdaos din ng sagala at prusisyon ng mga karosa.