Breaking News

Mga Balingbing

Kung may balingbing sa pulitika, may balingbing din sa pananampalataya! Sila ay iyong mga sumisigaw ng pagpupugay at “Osana” sa pagpasok ni Hesus sa Jerusalem subalit sa bandang huli ay sila rin ang sumisigaw ng, “Ipako siya sa Krus!” Sa panahon naman natin ngayon iyan ang tinatawag na “split level Christianity”. Sila yung mga Kristiyanong parang mga santo kapag Linggo pero kapag Lunes ay parang demonyo. Sila yung mga taong marunong magdasal pero ang buhay naman ay imoral.

Wala namang taong perpekto kung sabagay. Lahat naman tayo ay may mga kahinaan at kamalian. Subalit ang mga pagdiriwang ng mga Mahal na Araw ay humihikayat sa atin na huwag nating hayaan na manatili tayo sa kasamaan sukdulang tayo na mismo ang bumaliktad mula sa paggawa ng kabutihan tungo sa lubusang pagpapakasama. Ang trahedyang ito ay maaring magsimula sa simpleng pagiging balingbing. Yan ang panganib ng pamumuhay sa tinatawag na “compromise.” Iyan ang panganib ng tinatawag na “mediocrity.”

Very challenging ang ginawang pagpapakasakit ni Hesus para sa atin. Sa panahong ito kung saan ang tendency ng mundo ay pagpapasasa, at kung saan ang layaw at lugod ng katawan ang laging pinagbibigyan, malaking tukso sa atin na ituring na “di na uso ang martir ngayon.” Kung ganito ang takbo ng isipan ng tao, paano na ang pananampalataya natin kay Kristo? Alalahanin natin na ang unang Santong Pilipino, Si San Lorenzo, ay isang martir. Alalahanin din natin na ang kasunod niyang banal na Pilipino, si Beato Pedro Calungsod, ay isa ring martir. At sa panahon natin ngayon, kay dami pa ring Pilipino na naglalaan ng iba-ibang uri ng pagpapakasakit alang-alang sa pamilya, ang iba nama’y nagtitiis para sa bayan, at maraming nagsasakripisyo para sa Diyos.

Kung sa tingin mo ikaw ay nasa landas pa na malayo sa Diyos, huwag kang mawalan ng pag-asa. Dahil buhay ka pa, meron kang pag-asa. Kung nahirati ka o naging spoiled brat ka, kailangang simulan mo na baguhin ang tinatahak mong landas. It may be a long journey. But as Confucius said, “the journey of a thousand miles begins with a single step.” So now, put your best food forward. Start from scratch. But keep on scratching. Keep on walking towards the light.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

“Puso ng Paglilingkod: The Josefa Llanes Escoda Musical” tells life of celebrated heroine

Lipa City Actors Company (LAC)’s “Puso ng Paglilingkod: Josefa Llanes Escoda Musical” is based on …

No comments

  1. … this is indeed a time of reflection Father.. thank you for sharing your thoughts with us.. I know that this article will really enlighten the minds of those people who are confused and most of all those people who are taking the wrong path of life…
    thank you so much and God bless po..

  2. … this is indeed a time of reflection Father.. thank you for sharing your thoughts with us.. I know that this article will really enlighten the minds of those people who are confused and most of all those people who are taking the wrong path of life…
    thank you so much and God bless po..

  3. Fr. Jojo Maraming Salamat po sa napakalinamnam sa spiritual food na inihahanda nyo para sa ating mga kababayang ONLINE. Nawa’y wag po kayong magsawa na magpahayag ng Mabuting balita. God bless you more po.

  4. Fr. Jojo Maraming Salamat po sa napakalinamnam sa spiritual food na inihahanda nyo para sa ating mga kababayang ONLINE. Nawa’y wag po kayong magsawa na magpahayag ng Mabuting balita. God bless you more po.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.