Kasama sa photo bucket list ni John Carlo Bagas Avelida ang makuhanan ng larawan ang Bulkang Taal habang nasa ibabaw ang Milky Way Galaxy.
Kaya naman noong madaling araw ng ika-13 ng Abril, 2021 ay hindi na nya pinalagpas ang pagkakataong makuhanan ito ng mapadaan sa isang magandang tanawin ng Bulkang Taal pagkatapos ng kanilang trabaho. Agad naman nilang inihanda ang tripod at ang kanyang mirrorless camera.
Aniya, hindi naman kailangan ng magarang camera para makuhanan ito dahil mayroon nang mga mobile phones ang may kakayahang kumuha ng mga larawang tulad nito. Isa pa sa kailangang gawin ay paghandaan ang pagkuha sa pamamagitan ng pag aaral ng astro-photography, settings ng camera at tamang angles.
John Carlo Bagas Avelida/JCBA Photography
📍 Tagaytay City, Cavite