Miss Lobo 2019, kinoronahan na
Buong gabi nagningning ang Plaza ng Lobo sa ginanap na Coronation Night ng Miss Lobo 2019, Setyembre 26.
Naiuwi ni Renz Allen Kim Babao ng Barangay Balatbat ang titulong Miss Lobo 2019, habang napataw naman sa pambato ng Barangay Malapad na Parang, si Maria Angelica Gomez, ang korona ng Miss Lobo Eco-Tourism, at si Ruth Anne Aguilar naman ng Barangay Poblacion ang nabansagang Miss Lobo Ambassadress of Goodwill.
Kilala sa mga umupong husgado sa patimpalak ay sina Miss Philippines Earth 2019 Janelle Lazo Tee, Bb. Pilipinas 2019 1st Runner-Up Vickie Rushton, Mr. Grand Philippines Tourism Ambassador 2018 Michael Kerr Cruz, KF’s Georgette Garrido, batikang hair at make-up artist na si Drew Gallaguez, at sikat na international pageant blogger at columnist na si Norman Tinio. Sinamahan pa sila ng mga batikang persona sa kanilang larangan na sina Marites de Castro, Amado Hagos at John Lester Aguilar.
Naimbitahang hosts ng koronasyon ay sina Oj Cimafranca at Krestepani Janson na sinamahan sa isang pampasiglang harana ni Gab Lagman.
Sumabak sa isang closed-room pre-pageant interbyu ang tig-iisang kandidata ng 22 barangay ng Lobo bago sinundan sa entablado ng production number, swimsuit competition, at evening gown competition kung saan nasala ang top 12 semi-finalists. Kapagdaka ay hinamon ang mga kandidata sa unang Q and A ng gabi kung saan napili ang pitong waging mga babae ng Miss Lobo 2019 Pageant.
Nakalista ang titulo ng mga nanalo sa patimpalak na tumanggap ng mga regalo mula sa sponsors, sash, tropeo, palumpon ng bulaklak at cash prizes. Kasunod nito ang mga special awardees na tumanggap ng mga regalo mula sa sponsors, sash, at palumpon ng bulaklak.
Miss Lobo 2019 Renz Allen Kim Babao
Miss Lobo Eco-Tourism 2019 Maria Angelica Gomez
Miss Lobo Ambassadress of Goodwill Ruth Anne Aguilar
1st Runner-Up – Khaira Marie Dulongbinti
2nd Runner-Up – Mara Divine Areglado
3rd Runner-Up – Elisa Tale
4th Runner-Up – Angiela Marie Vicencio
Best in Production Number – Khaira Marie Dulongbinti
Best in Swimsuit – Renz Allen Kim Babao
Best in Evening Gown – Renz Allen Kim Babao
Miss Congeniality – Karen Mercado
Miss Photogenic – Maria Angelica Gomez
Miss Ginga – Ruth Anne Aguilar
Miss Avon – Maria Angelica Gomez
Miss Avon’s Dealers’ Choice Award – Maria Angelica Gomez
Miss NDL – Pauline Mae De Mesa
Miss ERC – Maria Angelica Gomez
Miss Oskees – Mariel Guico
People’s Choice Award – Aira Elaine Landicho
Photos by Ryan Tibayan and Kristian Mendoza