Breaking News

Mrs Nursing Service 2018 at Mary Mediatrix Medical Center


Lillian A. Magsino Hall, Mary Mediatrix Medical Center | October 18, 2018

Bilang parte ng selebrasyon ng Nurses’ Week ng Mary Mediatrix Medical Center, pitong magigiting na nanay na nurses’ ang nagtagisan ng pagandahan, galing sa pagsagot sa katanungan at talento sa Mrs Nursing Service 2018. Ang mga kandidata ay kapwa mga nurses na nagmula sa iba’t ibang departamento kaya naman napuno ng halakhakan at sigawan upang suportahan ang kanilang mga kandidata.

Unang beses na rumampa ang mga kalahok suot ang kanilang nagkikinangang diamond at denim na syang tema ng Mrs Nursing Service 2018. Bitbit din nila ang mga nakakatuwang kasabihang tunay naman maiiyak ka sa katatawa.

Sunod namang ipinakita ang kanilang mga talento. Mayroong sumayaw, kumanta, naglip sync at nag interpretative dance. Pagkatapos nito’y rumampa na ulit suot ang kanilang Evening Gown at Question and answer portion na tungkol sa pagiging nanay at nurse.

Naroon sa nasabing kaganapan upang maging hurado sina Mr Rod Mayo | Information Technology Department Manager, Ms Vivian Llanes | Human Resource Department Manager, Ms Roselle Marie Azucena RN MAN MBA | VP for Strategic Planning and Corporate Affairs, Dr Maria Lilybeth Manguera | Obstetrician at Dr Robert Magsino | President MMMC.

Listahan ng mga nagwagi :
Best in Production Number | Candidate No. 6 Abegail Josue
Best in Talent | Candidate No. 6 Abegail Josue
Best in Q&A : Candidate No. 4 Sherene Guce

2nd Runner Up | Candidate No. 4 Sherene Guce
1st Runner Up | Candidate No. 5 Gem Rose Pellobelo
Mrs Nursing Service 2018 | Candidate No. 6 Abegail Josue

 

 

 

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Puso ng Paglilingkod: The Josefa Llanes Escoda Musical” tells life of celebrated heroine

Lipa City Actors Company (LAC)’s “Puso ng Paglilingkod: Josefa Llanes Escoda Musical” is based on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.