Isang seminar ang isinagawa ng MTRCB sa First Asia Institure of Technology and Humanities noong ika-28 ng Hulyo, 2015 na may temang “Para sa Matalinong Panonood ng Pamilya at Lipunan nina Juan at Juana,”. Ito ay isinasagawa upang maituro at mapaalam sa mga manunuod sa mga bagong rebisang klasipikasyon para sa Telebisyon, Ratings sa mga Pelikula, atpb.
Maraming mga guro, estudyante ang nakilahok sa naturang seminar. Layunin din nito na mapaalam kung ano ba talaga ang saklaw ng MTRCB pagdating sa mga palabas na ating napapanuod sa telebisyon, pelikula at iba pa.
Inaasahan na ang lahat ng nakilahok na maging mapanuri sa mga palabas at magsilbing MTRCB sa kanya kanyang bagay upang malimitahan at maging angkop ang mga pinapanuod nila ayon sa kani-kaniyang edad.