Buhos pa rin ang tawanan kahit na walang piho pa ring apaw ang ulan ngayong Agosto. Samahan kaming makisaya kasama ang mga estudyanteng karibok na sa dami ng isiping sasabayan pa namin ng mga salitang nakababaliw (o nakababaliw?).
At bilang Buwan ng Wika, tayo ay makiisa bilang mga Batangueño sa temang layunin ng bansa: Wikang Katutubo: Tungo sa isang Bansang Filipino.
Liban | Liban
Ang liban ay salitang pang-uri na tumutukoy sa isang tao na hindi sumipot sa araw ng trabaho o eskwela, samantala ang liban naman ay pandiwang salitang-Batangueño na may kahulugang pagtawid sa kalsada.
Baliw | Baliw
Ang baliw ay salitang pangngalan o pang-uri na tumutukoy sa isang taong hindi maayos ang pag-iisip, samantala ang baliw naman ay pangngalan o pang-uring salitang-Batangueño na may kahulugang matapang o siga.
Limot | Limot
Ang limot ay salitang pandiwa na nangangahulugang hindi maalala, samantala ang limot naman ay pandiwang salitang-Batangueño na may kahulugang pulot ng bagay mula sa lupa.
Hibi | Hibi
Ang hibi ay salitang pangngalan o pandiwa na tumutukoy sa simangot o pagsimangot ng mukha, samantala ang hibi naman ay pangngalang salita mula sa Batangas na may kahulugang maliliit na hipon.
Pula | Pula
Ang pula ay salitang pangngalan na tumutukoy sa isang matingkad na kulay, samantala ang pula naman ay pandiwang salitang-Batangueño na may kahulugang pagpintas.
Upak | Upak
Ang upak at upak ay parehong salitang-Batangueño, ang isa pangngalang tumutukoy sa balat ng mais, samantala ang upak naman ay pandiwa na may kahulugang pananakit gamit ang kamao.
Tawad | Tawad
Ang tawad ay salitang pandiwa na tumutukoy sa paghingi ng paumanhin, samantala ang tawad naman ay pangngalan o pandiwang salita mula sa Batangas na may tumutukoy sa bawas-presyo o diskwento.
Join our Official Group!