Breaking News

One Million Lapis Campaign

2016-10-07-one-million-lapis-project
Isang kampanya ang inilunsad ng Council for Welfare of Children (CWC) bilang parte ng selebrasyon ng National Children’s Month sa darating na Nobyembre. Dahil ang “Lapis” ang simbolo ng kagustuhan ng kabataang ipahayag ang kanilang ideya at nararamdaman kaya sinimulan nila ang ONE MILLION LAPIS CAMPAIGN. Naglalayon ang proyekto na makalikom ng isang milyong lapis para sa mga kapuspalad na estudyante sa mga malalayong lugar sa Pilipinas. Nais din nilang magset ng bagong World Record para sa Pilipinas.

Sinuportahan naman ito ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan na pinangunahan ng Department of Education at Department of Interior and Local Government (DILG) at ganun din ng Lokal na pamahalaan. Ayon sa aking panayam Senior Police Inspector Radam R Ramos, COP ng PNP San Luis, Batangas, bilang suporta ng Batangas PNP ay naglagay sila ng dropboxes sa bawat police stations para ating mga kababayan na nais makatulong sa paglikom ng 1 milyong lapis .

Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) naman ay inako ang pagdadala ng mga nalikom na lapis papunta sa Deped Central Office sa Pasig City.

Ang Opisyal ang bilang na malilikom na lapis ay idedeklara sa ika-5 ng Nobyembre, 2016 bilang pagsisimula na din ng selebrasyon 2016 National Children’s Month.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

BatStateU sets up first Metal and Engineering Innovation Center in the Region

Batangas State University- Malvar Campus is once again leading engineering innovations in CaLaBarzon as it …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.