Breaking News

Padyak at Panalangin : Bisikleta Iglesia 2019

Higit sa 200 mga siklista mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang nakilahok sa ika-6 na taon ng Bisikleta Iglesia nitong nakaraang sabado, ika-13 ng Abril, 2019.

Ang Bisikleta Iglesia ay isa sa mga programa ng LIMA Park Hotel upang mapalakas ang FAITH Tourism dine sa atin sa Batangas at maibalik ang nakagawiang mga tradisyon ng mga Batangenyo tuwing Mahal na araw. Layunin ng mga nakilahok na mapagyaman ang kanilang pananampalataya kasabay ng adbokasiya para sa pagprotekta sa kapaligiran at kalusugan.

Taon taon ay (7) pitong simbahan dine sa Batangas ang binibisita ng mga kalahok sa pamamagitan lamang ng pagbibisikleta habang suot suot ng mga riders ang krus at ang stations of the cross. Ngayon taon ay iniba rin ang ruta mula sa nakasanayang ruta ng mga nakaraang taon. Ilang sa mga simbahang binisita ngayon ay Sto. Niño Parish Church (Levitown, Brgy Maraouy, Lipa City, Batangas), St. Therese of the Child Jesus Parish Church (Brgy Dagatan, Lipa City, Batangas), Minim Nuns of St. Francis of Paola (Brgy. Lumbang, Lipa City, Batangas), National Shrine of Saint Padre Pio (Sto. Tomas, Batangas), St. John the Evangelist Parish Church (Tanauan City, Batangas), Nuestra Señora de la Soledad Parish Church (Brgy. Darasa, Tanauan City, Batangas) at Immaculate Conception Parish Church (Malvar, Batangas).

Tatlong taon na ding kalahok ang kilalang “Running Priest” na si Fr. Robert Reyes. Ayon sa kanya ay mahalaga ang mga programang tulad nito upang mas mapalawig ang pananampalataya ng mga katoliko kasabay ng pagpapalakas ng katawan  at pagprotekta sa kapaligiran. Si Fr. Robert Reyes ang syang nagpapasinaya ng pagdarasal sa bawat simbahan. Nais din nyang magkaroon ng Prayer Book ang mga siklista para sa susunod pang Bisikleta Iglesia.

Si Aaron Catoltol naman ang pinakabatang kalahok ngayong taon na unang beses sumali upang makapagdasal at makapagnilay –nilay din ngayong panahon ng kwaresma. Ayon sa kanya isa sa kanyang natutunan ay ang magbigay galang sa pagpasok sa mga simbahan. Dumayo din mula sa Cebu si Ms Bernadette Bisog na nais maranasan ang kakaibang Bisita Iglesiang ito. Manghang mangha siya sa “Shrine of Saint Padre Pio” sa Sto Tomas Batangas at kakaibang experience din ito para sa kanya. “We know that Bisita Iglesia is a big part of Filipino Traditions but making an event like this is very ingenious one because we’re not only exercising our body but also exercise our faith.” Ika niya.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.