Nitong ika-21 ng Mayo, 2020 ay pormal nang pinasinayaan ng Probinsya ng Batangas katulong ang Department of Health Region IV-A ang Batangas Province Isolation Facility at ang Specially Designed Isolation Area for Persons Deprived of Liberty sa Brgy Malainin, Ibaan, Batangas.
Matatandaang ginamit din itong Interim resettlement area noong kasagsagan ng pagputok ng Bulkang Taal at agad naman itong nai-convert bilang isolation facility para sa mga PDL.
Sa isang Phone Patch, sinabi ni Hon Governor Dodo Mandanas na ito ang kauna-unahang Quarantine Facility para sa mga PDL sa buong Pilipinas na naglalayong maiwasan ang pagkalat ng COVID19 Virus sa mga inmates ng ating mga kampo.
Ayon naman kay Dr. Eduardo Janairo, Director IV ng DOH – CALABARZON Center for Health Development, sa kasalukuyan ay mayroon itong 80 Bed Capacity, bukod din ang para sa mga PDL at PNP Personnels.
Tinatayang maaring umabot sa 300 bed capacity ang pasilidad dahil patuloy pa ang pagsasaayos nito.
Larawan ng Batangas PIO at Ms Millicent Coloma