Breaking News

Pangakong Di Mapapako

Puro pangako! Ang dami na nating narinig na mga pangako. Dumaan ang maingay at mapanganib na panahon ng kampanyahan ng mga pulitiko. Lahat sila ay nagsasabing maglilingkod sa bayan. Pero dapat alam nila na allergic na ang mamayan sa mga pangakong napapako. Candidates have spent so much money for their campaign. I can’t help but recall the old adage, “Put your money where your mouth is.”

Jesus tells us, “The Advocate, the Holy Spirit that the Father will send in my name – he will teach you everything and remind you of all that I told you. Peace I leave with you; my peace I give to you. Not as the world gives do I give it to you. Do not let your hearts be troubled or afraid” (John 14:25-27). Such are the words we all need to hear these very crucial moments we are in. How comforting, how assuring! Kailangan talaga natin ng mapayapang eleksyon at tanging kay Hesus lamang maaring manggaling iyon. Napakaraming bumabagabag sa loob at isipan ng ating mga mamamayan ngayon. Kaya sa Diyos natin italaga ang lahat sa mga panahong ito ng botohan.

May pangako si Hesus sa atin. Dahil hangad niyang manatiling kasama tayo, di niya tayo iiwang ulila. Ipinadala niya ang kanyang Espiritu sa atin upang samahan tayo at ipagtanggol, upang gabayan tayo at tanglawan sa ating tinatahak na mga mapanganib na landas ng buhay. Pero ibang mangako si Hesus. Siya’y tumutupad. Di kailanman mapapako ang kanyang mga pangako. Sa totoo lang, kapiling nga lagi natin siya sa bawat bahagi ng ating buhay. Hindi niya tayo iniwang ulila.

Patuloy niyang sasamahan tayo sa mga panahong ito. Lalo nating kailangan ang kanyang pag-akay. Subalit huwag nating kalimutang tayo man ay may pangako rin sa kanya noong tayo ay binyagan: ang mga pangakong itatakwil natin ang kasamaan at ang pangkong laging sasampalataya sa Diyos! Sana tayo rin sa ating pangako ay huwag mapako. Sa eleksyon na ito, magpakatotoo tayo sa mga pangako natin sa kanya at sa ating Inang Bayan. Take note, ina natin ang bayan at Mothers’ Day ngayon! Kaya mahalin natin ang ating ina ganun din ang Inang Bayan. Happy Mothers’ Day po sa lahat ng mga ina!

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

No comments

  1. God will guide us…but unfortunately there are people choose to be on their own. Nakakalimutan nila na may mas mataas pa sa kanila. Konting pangalan at posisyon lumalaki kagad ang ulo. Nakakalimutan na ang tunay na dahil kung bakit sila nasa posisyon.

  2. God will guide us…but unfortunately there are people choose to be on their own. Nakakalimutan nila na may mas mataas pa sa kanila. Konting pangalan at posisyon lumalaki kagad ang ulo. Nakakalimutan na ang tunay na dahil kung bakit sila nasa posisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.