Breaking News

Pasinaya ng Bagong Municipal Building ng Munisipalidad ng San Jose, Batangas

Kahapon, ika-08 ng Marso, 2019 ay isang makasaysayang araw para sa mga mamamayan ng San Jose dahil sa pagpapasinaya ng bagong Municipal Building sa Brgy Don Luis, San Jose, Batangas.

Nagsimula ang pagpapasinaya sa pagparada ng mga banda at kawani ng munisipalidad mula sa lumang munisipyo patungo sa bagong munisipyong itinayo.

Ayon sa history ang San Jose ay nagsimula noong pumutok ang Bulkang Taal at ang mga taga-Bauan na mga residente ay humanap ng lugar kung saan natagpuan nila ang “malaking ilog”. Noong unang panahon ang mga tao ay laging sa mga ilog nagpupunta dahil narito ang kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, pangkabuhay atbp. Hanggang sa nagkaroon na tayo ng Patron na kung tawagin ay si “San Jose de Malaking Ilog” noon at itinayo na din dito ang kauna-unahang simbahan sa buong mundo na ipinangalan kay St Joseph. Tuluyan na syang naging hiwalay na bayan noong nagkaroon na rin ito ng mga punong bayan atbp.

Yung lumang munisipyo ay yari sa adobe at wala syang mga bakal na noong panahon ng hapon ay binomba at nasira tapos ay inayos lamang ulit.  Pagkaraan ng mahabang panahon ay nakikita na naming ang pangangailangan sa ekspansyon nito at nangangamba na rin na magkaroon kami ng problema sa istruktura nito pagdating ng panahon.

Inayos naming ang comprehensive development plan upang maisaayos ang aming bayan. Hindi naging madali sa amin ang pagpaplano ng para sa bagong munisipyo dahil minimithi namin na ito ang maging Mukha ng Bayan ng San Jose. Limang disenyo ang aking pinepresent noon na nakatuon lamang sa pagpapaayos at ekstensyon ng lumang munisipyo. Isa sa mga naisip naming magiging problema ay kung saan magtatrabaho ang mga taga munisipyo habang inaayos ito. Isa sa mga pinaka-feasible na ideya ay pag pagtatayo ng isang modernong municipal hall na halaw sa isang bahay kubo sa aming public park. Ang ideya nito ay makapagtayo ng makabagong Municipal Hall ng hindi pa din nawawalan ng open space sa bayan. Mananatili ang parke at mayroong silong ang Municipal Building ngunit hindi ito sinang ayunan ng ilang mamamayan ng San Jose dahil maaring masira ang parke na kinatigan din ng National Historical Commission.

Hindi pinahintulutan ang unang plano at kinailangan ng aming Municipal Administrator ang aming abogado para humingi ng iba pang option. Napakaswerte ng Bayan ng San Jose dahil isa sa mga apo ni Don Luis Kison Luna ay nagmagandang loob na magdonate ng isang hektaryang lupa na maaring pagtayuan ng bagong munisipyo. Si Don Luis ay kilala bilang mabait, matulungin at mapagbigay na mamamayan ng San Jose. Ilan sa mga dinonate nya ay ang lupa para sa public school, parke at marami pang iba. Kaya sa kanya rin ipinangalan ang isa sa mga Barangay ng San Jose na sya ring kinaluluklukan ng lupa ng Bagong munisipyo. Sa pangunguna ni Ms Susan Marie Javelosa Atienza at bilang pagbibigay pugay at pagmamahal din ng mga kaaapo-apuhan ni Don Luis sa kanya at sa Bayan ng San Jose ay ihinandog nila ang lupang ito sa amin.

– Architect Edison Robles ( Municipal Tourism Officer | San Jose, Batangas)

Pagkatapos ng blessing ng buong munisipyo ay isang programa naman ang ihinandog upang bigyang parangal ang pamilya ni Don Luis at ipakilala ang mga kalahok sa Mutya ng San Jose 2019.

Ang makabagong munisipyo ay hango sa Modern Filipino Architecture. Ang tatlong palapag na building ay may maaliwalas na kulay at disensyo, may malaking space din ito sa gitna upang makatulong sa bentelasyon ng buong building. Mayroon din itong mga makabagong equipments tulad ng numbering system na makakapagpadali ng transaksyon ng mga mamamayan at makakapagsilbi ng marami pang mamamayan ng San Jose. Ito rin ang sasalamin at magiging mukha ng bagong San Jose.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

National Food Showdown Flaunts Batangueno Cuisine, Pushes for Local Delicacy Innovations

University of Batangas- Lipa Campus hosted the 15th National Food Showdown (NFS) with a theme …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.