Isang seminar ang idinaos ngayong araw, ika-12 ng Abril 2018 sa pangunguna ng Philippine Marketing Association Batangas Chapter sa Lorenzo’s Place, Lipa City, Batangas.
Limapu’t lima ang nakiahok para sa isang buong araw ng pagtatalakay ukol sa Marketing. Ang mga ito ay binubuo ng mga estudyante, guro at mga marketing at sales personnel ng mga businesses at establishment dito sa atin.
Ang Philippine Marketing Association o PMA ay organisadong grupo ng mga marketing management professionals, business owners at supervisors na naglalayong magturo ng mga makabagong pamamaraan at innovation ukol sa marketing.
Ilan sa mga naimbitahan upang magsalita ay si Ms. Lourdes Ramoran na Head of Design and Analysis Market Relevance Corp. kung saan tinalakay niya ang kahalagahan ng Marketing Research, Design and Analysis. Tinalakay din ni Ms. Arlene Padua Martinez ang pagkakahalo ng makabago at makalumang paraan ng marketing at kung paano ito pagsasamahin.
Nais ng mga namumuno sa PMA Batangas Chapter na mas marami pang seminars ang kanilang maisagawa dito sa Batangas at mas buhayin ang marketing dito sa atin.