Breaking News

Print Your Own : WOWBatangas 2018 Desk Calendar

Aba’y kita nang magpaalam sa 2017 at i-welcome ang Bagong Taon!

At dahil bagong taon, aba’y are ang bago! Bagong WOWBatangas DIY 2018 Desk Calendar na madodownload mo ng libre dine laang sa WOWBatangas.com na naglalaman ng mga larawang kuha ng mahuhusay na photographers dine sa atin sa Batangas! Makikita mo din dine ang pinakamagagandang tanawin na syang pinagmamalaki ng Probinsya ng Batangas!

Are ang Download Link:
WOWBatangas DIY 2018 Desk Calendar

Handaeh areng mga are para sa pagbuo ng WOWBatangas DIY 2018 Desk Calendar:

  • Printed na WOWBatangas DIY 2018 Desk Calendar sa A4 size na Photopaper
  • Gunting o Cutter
  • Double Sided Tapes o Glue
  • Spring ng Lumang Notebook o Gate Rings
  • Hole Puncher o ano mang pambutas

Direksyon ng pag buo:

  1. Ipaprint ang iyong nadownload na WOWBatangas DIY 2018 Desk Calendar sa a4 size na photopaper sa pinakamalapit na photo printers or sa sarili mong printer. Mas mainam na gumamit ka ng MATTE NA PHOTOPAPER.
  2. Kuhanin ang ating Calendar Base o yung pinaka unang pahina ng Calendar.
    • Gupitin ang mga labis na papel sa gilid at sundin ang pulang linya.
    • Itupi naman ito at sundin ang itim na linya. (Tingnan ang mga larawan sa ibaba)
  3. Kapag natapos mo na ang Base ay isunod naman natin ang mga pages na naglalaman ng bawat buwan ng taon.
    • Gupitin ito ng naayon sa mga pulang linyang makikita mo sa larawan sa ibaba.
    • Pagdikitin ng magkatalikuran ang dalawang larawan gamit ang Glue o Double Sided Tapes.
  4. Ulitin lamang ang Direksyon No. 3 hanggang matapos mo hanggang Disyembre.
  5. Gamit ang Hole Puncher ay butasan ang dalawang gilid na bandang itaas ng iyong Desk Calendar.
  6. Ipasok sa butas ang Gate Rings at isalansan ng sunod sunod ang mga Buwan ayon sa pagkakasunod sunod!
  7. At ayon! Natapos mo na ang WOWBatangas DIY 2018 Desk Calendar.

Special Thanks to our Photo Contributors:
Jonathan Onte
Jeremy Mendoza
Hero Robles
Bert Ferranco
Albert De Guzman
Evans Claire Onte
Rheny Manalo
Joel Mataro
Eric Dale Enriquez
Allan Castañeda
Louie Javier
Kenneth Manalo
Joseph Bryan Navarro

Note: Ang mga larawan sa Kalendaryo ay pagmamay-ari ng bawat Photographer na nakalagay sa bawat larawan. 

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.