Breaking News

Reform Your Life

Malapit na ang Pasko! Mabait ka na ga? Ang panahong ito ay nag-uudyok sa atin upang pagnilayan ang ating buhay, ang ating mga kilos, pag-uugali at asal. May dalang simoy ang pasko na wari bagang inspirasyon para magmahalan at magbigayan ang mga tao. Tulad ng sinasabi sa awiting Ang Pasko Ay Sumapit: “At magbuhat ngayon, kahit hindi Pasko ay magbigayan.” Nagiging takbo kasi ng isip natin na ang pagbabago ay depende sa panahon. Seasonal. Subalit hindi dapat ganito. Ang pagbabagong-buhay ay di lamang dapat gawin at isipin kung Pasko, Bagong Taon, o Mahal na Araw. Bawat araw ng buhay natin ay isang pagkakataon upang may ugali tayo sisikapin nating baguhin.

Ala’y magbait na! Pasko na eh! Sa Pasko ay inaalala natin ang pagdating ni Kristo. Sa pagsilang Niya sa ating piling, pagpapala ang sumapit sa atin. Ang mundong nababalot ng dilim ay nakatagpo ng liwanag. Ang mundong lugmok sa kasalanan ay nakasilay ng bagong pag-asa. Kaligtasan ang dala Niya. Iyan ang ating ipinagsasaya. Subalit ang pagsasaya ay dapat paghandaan. Kahit nga kapag may masasayang okasyon tayo, katakut-takot na preparasyon ang pinagbubuhusan natin ng atensiyon tulad ng pagkaing ihahanda, paglilinis ng bahay, pamimili ng mga kakailanganin. Kung hindi mo ito gagawin ay mauuwi sa gulo ang dapat sana ay kasiyahan. Pero lahat ng ito ay pinaghahandaan at pinagpapakahirapan.

Kaya magbait na. Papasko na. Maghanda na. Darating si Hesus. Paglaanan mo Siya ng sabsaban sa iyong buhay. Diyan Siya isisilang. Sa pagbabagong gagawin at pagsisikapan mo, may dagdag na saya ang Pasko.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.