Jesus ascended into heaven. At tulad ng kanyang sinabi, “Paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirahan” (Juan 14:2b). Isa na namang mabuting balita ito. Umuna si Hesus magtungo sa Ama upang ipaghanda tayo ng matitirahan, hindi lamang reserbadong upuan. Sa langit! Can you imagine that? Ipinagreserba ka niya ng tirahan sa langit!
Kaya ang tanong: gusto mo ba? Kung interesado ka kasi, magsisikap kang makarating doon. Pero kung hindi mo gusto, napakadaling bale-walain ito. Kailanman di namumuwersa si Kristo. Siya’y nag-aanyaya at di namimilit ng kahit na sino. Pero dahil importante ka sa kanya, kung ano man ang maging desisyon mo, ipinaghanda ka pa rin niya ng matutuluyan mo. Napakabait talaga ng Diyos.
Ikaw ang pipili ng landas na tatahakin mo. Gusto mo ba ay kabutihan o kasamaan? Kasalanan o kabanalan? Kaligtasan o kapahamakan? Katapatan o kasinunglingan? Kapakumbabaan o kapalaluan? Paglilingkod sa kapwa o pagiging makasarili? Dalawa lamang ang landas na pagpipilian. Hindi pwedeng sa gitna, di pwedeng balimbing, di pwedeng alanganin. Napakalaki ng isinasapalaran mo sa mga niloob at ginagawa mo sa buhay mong ito – ang langit.
So understatement pala ang title natin dito na “Reserved Seat”. Dapat pala “Reserved Home.” Hindi lang kasi upuan ang inilaan para sa iyo. Isang tahanan na matitirahan mo ang inilaan para sa iyo ni Kristo sa langit. Meron nga lamang mga tao na matapos maipagreserba ay di rin naman pala interresadong pumunta sa handaan. At sa halip, mas ginusto pa na magpakalat-kalat na lamang. Kaya ang reserved home ay naging vacant seat. Sayang naman. Nakakapanghinayang naman.