Dagsa ang tao sa pormal na pagbubukas sa publiko ng taunang Taal Christmas Sounds and Lights Display nitong nakaraang ika-26 ng Oktubre na matutunghayan sa Taal Town Plaza sa pagitan ng Taal Basilica at Munisipyo ng Taal.
Napabilang na ito sa mga inaabangang tourists attractions sa Taal, Batangas. Dati rati ay mga kababayan lamang natin ang dumarayo dito pero ngayon ay unti unti na din itong nakikilala ng mga taga karatig bayan. Kasabay din ng masasayang pamaskong tugtugin ay animo’y sumasabay ng pagsayaw ang mga pailaw. Ito’y isa sa mga proyekto ng Munisipyo ng Taal upang mas payabungin ang turismo at mas maramdaman at sariwain ng mga Batangueño ang saya ng pasko.
Instagrammable ito at perfect sa iyong bagong profile photodahil mayroong mga ilaw sa puno, ilaw na animo’y dikya, higanteng Christmas Tree na ngayon ay abot na hanggang sa Municipal Hall ng Taal Batangas.
Bukas ang Taal Christmas Light and Sound Display mula alas 6 hanggang alas-11 gabi hanggang ika-6 ng Enero 2020.
Paano pumunta sa Taal Christmas Sounds and Lights Display 2019 (How to go):
Mula tambo exit ay maari kang sumakay ng byaheng Lemery at sabihing ibaba ka sa mismong Plaza ng Taal.
Photos by Bryan Navarro
Sana po maextend ang christmas light display para mapuntahan pi namin.
Wala pong advice kung maeextend ang Christmas Sounds and Light Display.