“By you perseverance you will secure your lives” (Lk 21:19).
Kapag binabanggit ang salitang “wakas” wari bang malagim at nakakasindak. Halos katumbas na rin ng salitang ito ay ang salitang “wasak”. May pagkakahawig ang mga letra ng “wakas” at “wasak” subalit hindi naman kailangan na ang ending ay tragic. Maari din naman, tulad ng mga pelikula o teleserye na ating kinagigiliwan, na ang katapusan ay happy ending. Ayaw natin ng sad ending.
Kaya naman ang payo ng Banal na Kasulatan ay ang pagpupunyagi. Hindi natin tatamuhin ang kaligtasan nang paupo-upo lang o “papetiks-petiks” lang. Ito ay kailangan nating pagsisikapan. Hindi pwede pumasok sa langit ang taong tamad o easy-go-lukcy. Gusto man natin ang buhay na maalwan at hindi naman mali ang magrelax paminsan-minsan, subalit hindi dapat mawala ang paningin natin sa dako paroon, sa dakong hangganan ng lahat. Mapanganib ang maging short-sighted. Sapagkat kapag ang nakikita o natatanaw mo lang ay ang pangkasalukuyan, paano naman ang bandang huli?