Breaking News

The Family and Diabetes – Mary Mediatrix Medical Center’s World Diabetes Day

 

Mahigit isang daang ang nakilahok sa selebrasyon ng World Diabetes Day sa Lillian Magsino Hall, Mary Mediatrix Medical Center kanina, ika-17 ng Nobyembre, 2018. Karamihan sa mga ito ay galing sa mga bayan at munisipalidad ng Batangas. Ang nasabing selebrasyon ay bukas para sa mga taong mayroon nang diabetes at gay’on din sa mga taong nais itong maiwasan.

Enjoy na enjoy ang mga nakilahok sa Zumba Session, Screening at Vital Sign check up upang makita ang kanilang mga datos tulad ng Sugar Level at iba pa. Nagkaroon din ng Lecture mula kay Dr. Hderbert Arellano kung saan tinalakay ang kahalagahan ng prebensyon at papel ng mga miyembro ng pamilya para sa taong may Diabetes. Mula sa patholohiya, pinansyal at support system ay maiging ipinaliwanag ang mga gampanin ng mga miyembro ng pamilya at kung paano ito makakabuti para sa taong may Diabetes.

Karamihan sa atin ay di masyadong nagagabayan at kulang sa kaalaman ukol dito kaya naman pataas ng pataas ang kaso ng pagkakaroon ng Diabetes dito sa Pilipinas. Kaya isa ito sa hakbang ng Mary Mediatrix Medical Center upang makapagpalaganap ng impormasyon ukol sa sakit na ito.

Ayon kay Gng. Carmen Lubis, 2004 pa sya miyembro ng Mediacom o Mediatrix Diabetes Club na syang grupong binuo ng Mary Mediatrix Medical Center upang maiwasan at matulungan ang mga taong mayroon Diabetes. Ayon sa kanya ay hinimok sya ng mga kaibigang may Diabetes na makilahok upang maiwasan din niya ang sakit na ito at sa edad na 72 ay patuloy ang pagsuporta niya sa grupong ito. Malaking bagay sa kanya ang mga aral na nakukuha nya dito at mga free check-ups at gamot na nakukuha dito. Nalilimitahan din niya ang pagkain ng mga pagkaing maaring maging sanhi ng pagkakaroon ng Diabetes.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Puso ng Paglilingkod: The Josefa Llanes Escoda Musical” tells life of celebrated heroine

Lipa City Actors Company (LAC)’s “Puso ng Paglilingkod: Josefa Llanes Escoda Musical” is based on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.