Breaking News

THREE REQUIREMENTS

Lahat tayo ay tinatawag upang tularan si Hesus. Ito’y paanyaya. So walang pinipilit. Take it or leave it. Following his footsteps is very demanding indeed. Anyone who wishes to do so must be ready to comply with the three requirements:

1.Deny yourself. Ang ating sarili kasi ang labis na humahadlang at palaging kontrabida sa pagsunod kay Hesus. Hindi naman masama ang magkaroon ng respeto sa sarili. Pero ang kailangan ay ang iwasan natin na hangarin ang sariling kapakanan tulad ng papuri buhat sa ibang tao, prestige, pride, comfort, convenience at marami pang iba. Sa sandaling paglingkuran mo ang iyong agenda at interest, tiyak nang hindi mo magagawa ang sunod na hakbang.

2.Take up your cross. Kailangang pasanin ang iyong mga kahirapan sa buhay, ang lahat ng iyong mga tiisin at suliranin. Lahat ng pagsubok ay kailangang harapin sa halip na iwasan o kaya ay takasan. Marami ang duwag sa larangang ito. Maraming mas pinipili pa ang aliwin ang sarili sa pamamagitan ng mga bisyo at pagpapasasa at pagbibigay-lugod sa katawan. Ngayon higit nating mauunawaan kung bakit nauna ang pagtalikod sa sarili. Dahil kung di natin iyon gagawin ay lalong imposible ang pagpasan sa ating mga krus araw-araw.

3. Follow Jesus. Huwag mong sosolohin ang iyong pasanin. Ito ang pagkakataon upang makatulad ka kay Hesus. Samakatuwid, an gating mga tiisin pala ay oportunidad upang lalo tayong mapalapit sa Kanya. Di lamang dahil sa nagbibigay ito ng pagkakataong upang tumawag sa Kanya kundi nagdudulot din ito ng pagkakataon upang, kung si Hesus ay nagpasan ng kanyang krust, gayon din tayong lahat. Nakakahiya naman yata kung Siya lang ang may pasan, tapos ikaw na nasa kanyang likuran ay nakatingin lamang pero wala ka man lang binubuhat.

God did not promise us an easy life; He promised us eternal life. Kapag ang inatupag natin ay ang sarili, lalo tayong di aasenso sa anumang larangan ng buhay. Oo, inuulit ko, sa anumang larangan ng buhay.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.