Breaking News

Tipid o Galante? Paano n’yo ipagdiriwang ang Valentine’s Day 2023?

Ayan na nga, Pebrero 14 na bukas, Araw ng mga Puso. Medyo nauumay ka na sa talking stage n’yo ni crush o kung may asawa ka man, malamang nagsasawa ka na din kaka-netflix ‘n’ chichirya.

Ngayon, gusto mo na siyang “ilabas”, i-date sa isang lugar na nagsasabing, “seryoso ang pagmahal ko sa’yo, giliw.”

Gusto mo din sigurong muling isabuhay ang pagiging romantiko, tutal dalawang taong nakasara ang mga restaurants, dalawang taong bawal mag-date sa labas, at dalawang taon ding mayroong lehitimong palusot para magluto o magpa-food delivery na lamang sa bahay.

Malamang, sunod mong paplanuhin ang inyong kakainan, unti-unti kang magba-backread sa inyong convo, titiyakin kung ano nga baga ang mga paborito n’yang pagkain: naalala mong koboy siya— mahilig  sa tusok-tusok, sa lomi, kahit Batangas Goto na lamang-loob, G s’ya!

Sa ganitong klase ng mga preferences, okay din siguro sa kanya na pumasyal at do’n makipagdate sa mga pampublikong parke. Lalong-lalo na doon sa mga bagong-gawang baywalks tulad ng nasa Balete o San Nicolas na kung saan hindi rin pumapalya ang kahanga-hangang tanawin ng Bulkan at Lawa ng Taal na halos araw-araw din nagpapamalas ng golden sunsets. “That man is richest whose pleasures are the cheapest,” winika mo sa iyong sarili na parang nagbibinatang Henry David Thoreau.

“Pero hindi, eh”. Naghanda ka. Nag-ipon ka dahil gusto mong iparamdam sa kaniya ang pagka-espesyal ng araw na ito, at higit do’n ang pagka-espesyal nya.

“Simple lang naman,”kinumbinsi mo ang iyong sarili. Hindi mo naman balak na butasin ang iyong pitaka dahl tulad ng nakararami, meron ka ding ibang mga prayoridad at alalahanin.

Sakto ang mga promo tulad ng “A Valentine’s Special Dinner Buffet” ng Lima Park Hotel— na sa rasonableng halagang P1, 388/ person, mararanasan ang isang gabing hitik sa masarap na hapunan sa loob ng nag-iisang 4-star hotel sa Batangas.

Kung sakaling wala kayong oras para sa okasyong ito, maari mo naman siyang dalhan ng mga nakasanayang chocolates, bulaklak o stuffed toys. Malamang, hindi na gasinong magugulat ang iyong katipan o asawa, pero at least, nag effort ka, ‘di ba?

 Maari din surpresahin ang mga mahal sa buhay at regaluhan sila ng mga Batangueno delicacies tulad ng sumang Balete, sinukmani ng Rosario, o atis ng Lobo— lahat may kaniya-kaniyang angking tamis na hindi nakakaumay.

Hindi maikakailang hindi maaarok ng taas ng presyo, o ng garbo ng regalo ang pag-ibig ng isang Batangueno. Sapagkat ang isang taga-Batangas ay walang katumbas ang pagkilala sa kulturang may malalim na pagunawa sa respeto, katapatan at sinseridad.

Maghari sana ang tunay at wagas na pag-ibig ngayong araw ng mga puso, nawa’y pagtibayin ng Diyos ang mga relasyong Kaniyang binuklod.

About Joel James Cubillas

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.