Breaking News

Upuang Pandangal

“Sapagkat ang nagpapakataas ay ibababa, aat ang nagpapakababa ay itataas” (Lk 14:11). Kapag mataas ang lipad, mas matindi ang kalabog kapag bumagsak. Ganyan ang ginagawa ng pride. Ang pride ay pagmamataas. Kaya kapag may nagsasabi sa akin, “Mataas po ang aking pride.” Ang sagot ko: “Wala pong mababang pride; lahat po ng pride ay pagmamataas.” Iyan ang kalokohan na ginagawa ng pride sa buhay natin. Itinutulak tayo nito na ilagay ang sarili sa isang lugal na hindi para sa atin. Ang madalas na payo na naririnig natin: “Lumagay ka sa lugal!” Kung hindi, babagsak ka at tiyak na mas masaklap dahil mas matindi ang pagbaksak kung mas mataas ang lipad.

Gusto natin maging angat sa iba. Bakit? Wala ka na bang saysay kung hindi ka angat sa iba? Gusto natin outstanding pero di man lang natin magawang maging good enough. Gusto natin laging una kaya di na natin matanggap kung di natin iyon makuha. Sabi nga sa “Tuesdays With Morrie”: “What’s so bad with being second?” Nawawala ba ang dignidad ng isang tao porke lamang hindi siya first? Bobo na ba ang isang estudyante dahil second honor lang siya? Dahil di ka nanalo sa paligsahan, di ito nangangahulugan ng ikaw ay walang kakayanan. Hindi laging sapat na batayan ang paglamang sa iba.

Sa labis na paghahangad na manguna at maungusan ang iba, hindi natin kayang ikasiya kung nakakaangat sila. “Crab mentality” ang umiiral kapag pilit na ibinabagsak natin ang mga taong napapansin nating umaasenso at nakalalamang sa atin sa anumang bahagi ng buhay. At ano ang dahilan? Walang iba kundi ang pagnanais natin ng upuang pandangal. Nais natin ang pag-asenso at hindi ito masama. Ang masama ay labis na pagnanais sukdulang hindi na natin kayang tanggapin ang pag-angat ng iba at pagsadsad natin sa lupa. Ayon sa Banal na Kasulatan: “Kapag inanyayahan ka ninuman sa isang kasalan, huwag mong pipiliin ang tanging upuan. Baka may inanyayahang lalong tanyag kaysa iyo…” (Lk 14: 8 ) Mas mabuti na ang maging humble. Hindi ka maiinis…at di ka kaiinisan!

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

No comments

  1. Lahat naman tayo may kanya-kanyang pride…mabuti na rin na natsecheck natin ang ating sarili, sikapin nating tayo ay nakaapak sa lupa dahil iyon naman ang tunay na kahulugan ng “humulity”…humus…soil o earth…ang nagpapakababa ay tiyak na itataas ng Panginoon. God bless us all!!!

  2. Lahat naman tayo may kanya-kanyang pride…mabuti na rin na natsecheck natin ang ating sarili, sikapin nating tayo ay nakaapak sa lupa dahil iyon naman ang tunay na kahulugan ng “humulity”…humus…soil o earth…ang nagpapakababa ay tiyak na itataas ng Panginoon. God bless us all!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.