Breaking News

Uubra Ka Ga Sa Kapeng Barako?

Ginigiling. Nanggigising. Kapag tinamaan ka ng tapang nito, hindi ka matutumba. Sisipa ka sa sigla. 😀

Nung Christmas vacation, nag-stay ng ilang araw sa amin ang pinsan ko na taga-Valenzuela. Syempre, bawat almusal, hindi mawawala ang kapeng barako. Isang umaga lang yata sya uminom nito na pagkatapos ng isang higop sa tasa, bigla na lang nasabing: “Waaah! Ang tapang naman nito! Baka magpalpitate ako nito!”

Hindi na nasundan ang isang tasang ininom nya. Pero naubos naman nang hindi inaasahan. Hindi daw kasi sya sanay. Minsan nga lang naman sa isang taon sya makainom nito – tuwing uuwi lang sya dito sa Batangas.

Ang kapeng barako ay isa sa mga pinakapopular na produkto ng Batangas. Alam kong marami na kayong alam tungkol dito at hindi ko na iisa-isahin pa ang mga important facts tungkol sa kapeng ito na inam kung manggising.

Pero kung hindi ka Batangueño at wala kang masyadong alam tungkol sa uri ng kapeng ito maliban sa ipinangalan sya sa kabruskuhan ng lalake, i-click mo ito: ano ang kapeng barako.

Ikaw, gaano kadaming tasa ng kapeng barako ang naiinom mo bawat araw?

Tuwing may magtatanong sa akin kung ano ang magandang ipangregalo na galing dito sa Batangas, kapeng barako agad ang sinusuggest ko. Dun sa Cafe de Lipa, meron silang magandang packaging ng kapeng barako na magandang ipangregalo.

Just like other kinds of coffee, kapeng barako can also be used as ingredients for delis, specifically non-beverage desserts. Again, Cafe de Lipa has this Moist Barako Bar. Tikman mo at masusubukan ang tapang mo.

Spa treatment! Are you fond of heading to the spa to have body scrub? Why don’t you try coarsely grind kapeng barako mixed with brown sugar and oil to make that exfoliating a bittersweet experience? Well, positive bittersweet.

Marami pang pwedeng paggamitan ang kapeng barako. Kung sari-sari na ang amoy sa loob ng inyong refrigerator, maglagay ka lang ng giniling na kapeng barako sa isang bowl at ilagay ito sa loob ng ref para mawala ang mga nakakaliyong amoy ng ref nyo. Instant deodorizer.

Nakalimutan ko kung saan ko ito natutunan. Kung balak mong bumili ng pabango at wala ka pang partikular na napipiling bilhin, magbaon ka ng isa o dalawang beans ng liberica coffee at amuy-amoyin ito bago umamoy ng mga pabango para ma-neutralize ulit ang sense of smell mo.

Ito ang ilan sa mga pwede nyo pang gawin sa kapeng barako. Matapang ka ga? Uubra ka ga sa kapeng barako ng Batangas?

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

“Puso ng Paglilingkod: The Josefa Llanes Escoda Musical” tells life of celebrated heroine

Lipa City Actors Company (LAC)’s “Puso ng Paglilingkod: Josefa Llanes Escoda Musical” is based on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.