Breaking News

Visual Art Summer Workshop sa Tanauan, Batangas

Isang Visual Art Summer Workshop ang kasalukuyang ginaganap ngayon sa lumang City Hall Building ng Tanauan sa Brgy Poblacion 3, Tanauan City, Batangas.  Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Kagalang galang na Mayor Tony Halili , Tourism Officer Edison Jallores Jr at mga visual artist dine sa atin sa Batangas. Bukas ito sa lahat ng nais lumahok at libre ito para sa lahat.

May apat na kategoryang pwedeng salihan. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Painting (April 25 – May 1, 2018 | 8AM to 12PM)
  • Theater Arts/Acting (April25 – May 2, 2018 | 8AM to 12PM)
  • Filmaking ( April 30 – May 2 & 3, 2018 | 8AM to 5PM)
  • Photography (April 27 to May 5 $ 12, 2018 | 8AM to 5PM)

Isa sa mga napili naming lahukan ay ang Photography workshop ni Sir Joel Mataro. Isang batikang Street Photographer si sir Joel na nagmula sa Malvar, Batangas. Isa rin sa kaniyang paboritong puntahan ang Palengke ng Tanauan at gawing subject sa photograpiya ang mga taong dumadaan dito kaya naman malapit din para sa kanya ang Tanauan. May mga estudyate at gurong nakilahok na pawang mga miyembro ng Student Governing Body at School Publication, mayroon ding magulang at anak, mga kabataan at maging empleyado ng City Hall na nais pang maimprove ang pagkuha nya ng larawan.

Patuloy pa din ang paanyaya ng mga Visual Artist na makilahok at matuto ang sino mang nais lumahok maging hindi taga bayan ng Tanauan upang mas mapalawig ang kanilang kaalaman ukol sa nais nilang kategorya at mapayabong ang Visual Arts dine sa Batangas.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.