“Put out into the deep!” A very challenging advise. Pumalaot kayo! Doon sa mas malalim na parte ng dagat. Mas malalim, mas mapanganib, mas deadly. Pero iba ang challenge kasi iba ang challenger – si Hesus! Siya ang nagsabi. Kaya go na tayo. Sumunod ka lang at makikita mo.
But of course it can be fearsome. Natural sa atin ang matakot. Pag isip ang pinairal natin talagang nenerbiyosin. Pero pananampalataya ang kailangan dito. Where reason ends, faith begins.
Kung rason lang ang paiiralin, di na tayo papalaot pa kung puro kabiguan na ang sinapit natin; di na tayo susubok pa kung lagi na lang tayong natatalo sa mga laban ng buhay; di na lang tayo susubok pa kung laging nasasaktan din lamang. Pero kung pananampalataya ang paaandarin natin, magiging iba ang takbo ng istorya ng buhay natin. Papalaot tayo at susundin ang sinasabi ni Kristo upang makita natin ang kabilang ibayo ng buhay.
Naroon ang hiwaga at ang himala. Kung saan natatapos ang iyong lakas, diyan maaring magsimulang gumawa ang mga daliri ng Diyos. God can draw straight through crooked lines, wika nga. Oras na upang matutunan nating ipagpaubaya sa kanya ang buhay natin sa kabila ng mga gusot at kalituhan na dinaranas natin. Yan ang pagkakataon, yan ang sandali ng himala.
Fr Jojo, nakaka-inspire po ang inyong sinulat ngayong Linggo. Salamat po at sana’y huwag kayong magsawa sa pag-gabay sa ating mga kababayan.
Fr Jojo, nakaka-inspire po ang inyong sinulat ngayong Linggo. Salamat po at sana’y huwag kayong magsawa sa pag-gabay sa ating mga kababayan.