Noong biyernes, ika-14 ng Oktubre, 2016 nakiisa ang bayan ng San Jose, Batangas na tinagurian “Egg Basket Capital of the Philippines” sa pagdiriwang ng World Egg Festival 2016. Ang bayan ng San Jose ang isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng itlog sa buong Pilipinas. Mahigit pitong milyong itlog ang nagmumula dito araw araw kaya naman ito din ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga rito.
Sinamantala na din nila ang pagdiriwang ng World Egg Day upang tangkaing masungkit ang “Longest Line of Fresh Chicken Eggs in a Tray” sa Guiness Book of World Records. Kaya naman maagang pumulas ang mga taga San Jose kaya’t alas kwatro pa lamang ng madaling araw ay gising na gising na upang magsalansan ng mga daang libo ng itlog na nakalagay sa tray sa dalawang kilometrong kahabaan ng Macalintal Avenue.
Nagkaroon din ng Parada at Egg Cooking Demo na sinalihan ng mga iba’t ibang eskwelahan dine sa Batangas.
Ang mga larawan ay mula sa San Jose Tourism Office.
hi admin!
i would like to know more about how san jose, batangas is known as the “egg basket of the philippines” and the source of information.
hoping for your utmost respond.
thank you very much and godbless!
Magandang Araw JB at salamat sa pagkakaroon mo ng interes ukol sa San Jose, Batangas na tinagurian “Egg Basket of the Philippines”.
Narine ang mga articles ukol sa San Jose:
http://wowbatangas.com/category/towns-and-cities/san-jose/